Rayver ready nang maging tatay sa magiging anak nila ni Julie Ann

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose
LOOKING forward na ang Kapuso actor at TV host na si Rayver Cruz na maging tatay sa mga magiging anak nila ni Julie Anne San Jose.
Tatlong taon nang magkarelasyon ang Kapuso celebrity couple at palagi naman nilang sinasabi sa kanilang mga interview na natagpuan na nila ang “forever” sa isa’t isa.
Ayon kay Rayver, kilalang-kilala na nila ni Julie ang ugali ng bawat isa kaya alam na nila kung paano iha-handle kapag may mga issue sila sa kanilang relasyon.
“E, I mean, what you see is what you get naman sa amin, e. Sobrang genuine lang ng relationship namin, wala kaming, alam mo yung mga filters?
“I mean, minsan nga nakakalimutan ko na naka-IG live pala kami, pinapakita ko yung tunay na sarili ko na. Alam mo yun?” aniya pa.
“And every time na kasama ko siya, hindi nawawala yung kilig ko kapag kasama ko siya, so ayun,” dagdag pa ng host ng “The Clash 2025.”
Tungkol naman sa pagpapakasal, “Siyempre du’n naman na papunta. Wedding plans, napag-uusapan namin. Pero yung wedding plans kasi gusto ko kasi siyempre ma-surprise pa rin siya kahit na sinasagot ko ito sa interview.
View this post on Instagram
“Importante pa rin na wala siyang matunugan kung kailan mangyayari,” aniya pa.
Sundot na tanong sa aktor kung next year na ba ang wedding, “Malalaman din naman ng lahat. Tsaka siyempre iyang plano na yan dapat sinisimulan ko sa magulang niya.”
Ready na ba siyang maging asawa at tatay, “Kapag dumating yung araw na yun, oo naman, oo naman. And hindi na rin naman ako bumabata. Tuwang-tuwa ako sa mga pamangkin ko, sa mga anak ni Rodjun (kapatid niya).
“So, I think kapag dumating ang araw na iyun masaya iyun, masaya iyun, brand-new journey and panibagong simula,” sey pa niya.
Samantala, sina Rayver at Julie Anne pa rin ang mga host ng “The Clash 2025” na napapanood tuwing Linggo sa GMA 7 with The Clash Panel Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian at ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.