Bongbong Marcos sa mga titser: Sabihin lang mga kailangan niyo!
SA pagsisimula muli ng mga klase kahapon, humarap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa public school teachers at hiningi ang kanilang tulong sa pagpapabuti pa ng sistemang pang-edukasyon sa bansa.
Matapos bumisita sa Epifanio delos Santos Elementary School sa Malate, Maynila, nakipag-usap si Marcos Jr., sa mga guro sa ibat-ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng teleconference.
Sinabi ni Marcos Jr., sa mga guro na maraming ahensya ng gobyerno ang handang umalalay sa kanila.
“Ipapaalala ko sa inyo na ang buong pamahalaan, lalo na basta sa edukasyon , lahat ng ating departamento hanggang DOH, DSWD, DTI, DOTr ay nakabantay ngayon sa inyo dahil ito na ang pinakaimportante naming ginagawa,” sabi ng Punong Ehekutibo.
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos pinatutukan ang presyo ng school supplies
View this post on Instagram
Binanggit din niya sa mga guro ang pagkuha ng mga bagong teaching assistant para mabawasan ng mga administratibong trabaho ang mga ito.
Kasunod nito, hinikayat ni Marcos Jr., ang mga guro na ipaalam sa kanila ang mga iba pang paraan para mapagbuti pa ang ilang aspeto ng sistemang pang-edukasyon.
“Kung ano pa ang inyong nakikita na puwedeng pagandahin pa, sabihan niyo kami,” bilin ni Marcos Jr., sa mga guro.
Tinatayang 27 milyong mag-aaral ang babalik sa mga klase para sa School Year 2025 – 2026.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.