Xian Gaza: Nilalabas ko lang mga baho nila na sila rin ang gumawa

Xian Gaza: Nilalabas ko lang mga baho nila na sila rin ang gumawa!

Reggee Bonoan - June 17, 2025 - 09:27 AM

Xian Gaza: Nilalabas ko lang mga baho nila na sila rin ang gumawa!

Xian Gaza

PART 2 ito ng panayam ni Agassi Ching kay Christian “Xian” Gaza kung saan nabanggit na pumalo raw ang tawag sa kanya na Pambansang Marites nang i-reveal niya na break na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“24 hours later nag-release si Kathryn Bernardo ng statement na hiwalay na sila,” sambit ni Xian.

Pero itinanggi ng lalaking Marites na siya ang nagsimulang maglabas na break na ang KathNiel.

“Si Pareng Ogie Diaz ang nag-release nu’n two months ago tapos binash siya nang binash, tapos nu’ng ako na ang bumanat nagkagulo na sa social media kasi nga kapag si Xian Gaza ang nagsabi ‘legit na ‘to.’

“Sa sobrang ingay sa social media kinailangan ni Kathryn Bernardo na maglabas ng statement and because of that, doon pumutok ang pagiging Pambansang Marites ko,” esplika ni Gaza.

Pero prior to that ay sumawsaw na raw si Xian sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla noong 2021 pa.

“So, ‘yun ang history kung bakit pinanganak ‘yung Xian Gaza na Pambansang Marites. Nagkaroon ako ng greedy sa power dahil sa ginawa sa akin ni Angeli Khang (basahin ang part 1).

“Nagkaroon ako ng hunger for so much power aminado ako ro’n. Ayokong magmalinis, kinain din ako ng power,” sabi pa.

Sa tanong ni Agassi kung may gustong sabihin si Xian Gaza sa mga taong tinamaan, “Alam n’yo 90% naman na pino-post ko ay totoo! Bilang Pambansang Marites, ito ang totoo, hindi naman ako talaga naninira ng tao.

“Bino-broadcast ko lang sa buong bansa ‘yung kasiraan nila na sila rin mismo ang may gawa, nilalabas ko lang ‘yung baho na sila mismo ang may gawa at nawalan ako ng empathy,” say ni Xian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabilang banda ay humingi ng dispensa si Gaza sa mga taong nasaktan niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending