Gabby Eigenmann sa relasyong Andi-Philmar: Hindi ako nakikialam, pero…

Gabby Eigenmann, Philmar Alipayo at Andi Eigenmann
KNOWS ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann ang nangyayari sa pagsasama ng kapatid na si Andi Eigenmann at sa fiancé nitong si Philmar Alipayo.
Nagkuwento raw si Andi sa kanya nang magkaroon sila ng marital problem ni Philmar nang dahil sa ibang babae.
Ito yung ipinost ng aktres sa social media noong February tungkol sa pinagdaraanan ng relasyon nila ng kanyang partner kaya inakala ng madlang pipol na hiwalay na sila.
Ang nakalagay sa cryptic posts ni Andi, “I just found out its the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep’s clothing!”
May nakasulat ring “ZODIAC: THE SNAKE” sa baba ng post ni Andi.
Nakachikahan ng BANDERA si Gabby after ng presscon ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” kamakailan at sinabi nga niya na hindi siya nagsalita noon kahit alam niya ang nangyayari.
“Alam mo, sa totoo lang, I’ll always be her brother, regardless. Pero kapag may mga ganyan, hindi naman sa wala akong pakialam, hindi ako nakikialam. Because she’s an adult, they’re adults.
View this post on Instagram
They have to face their own problems on their own. Pero alam ko ‘yung sitwasyon, alam ko ‘yung nangyari. She called me, she messaged me, we talked about it.
“Sabi ko, ‘it’s not the end of the world.’ Alam mo ‘yun? Lahat ng problema, nagagawan ng solusyon,” saad ni Gabby.
Patuloy ng aktor, “Hindi ko na sinabi sa kanya na ‘sana, hindi ‘yan, sana ganito,’ hindi na, kasi diskarte na niya ‘yan dahil she’s of age, eh.
“‘Yan ang naging way niya, whatever consequences that comes along with it, she has to deal with it.
“O, tingnan mo ngayon, tapos na, okay na, so anong nangyari, ‘di ba? At the end of the day, kung tatanungin mo ‘ko kung mali ba o tama ‘yung ginawa niya, hindi ko na ‘yan pag-aaksayahan ng panahon para mag-agree or mag-disagree. It is what it is,” sey pa ng aktor.
Samantala, proud na proud at feeling thankful naman si Gabby na nakasama siya sa bonggang cast ng “Encantadia Chronicles Sang’gre” na nagsimula na kagabi sa GMA Prime.
In fairness, sa costume pa lang ay buwis-buhay na ang aktor dahil sa napakakapal nito kaya napakainit kapag nakasuot na sa kanya.
Pawis na pawis nga siya habang kachikahan namin. Knows n’yo ba na sa pagsusuot pa pa lang nito ay inaabot na siya ng 30 minutes.
Pero walang reklamo ang aktor dahil alam naman niya na hindi magiging madali ang ginagampanan niyang kontrabida role sa “Sang’gre” bilang si Zaur, isang matapang na warrior sa kahariang Mine-A-Ve.
Ka-join din sa serye sina Bianca Umali, Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia. Rhian Ramos, Faith da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, Jon Lucas, Vince Maristela, Manilyn Reynes, Mikee Quintos at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.