Sen. Robin Padilla nag-’leave’ bilang PDP Laban president

PHOTO: Facebook/Robin Padilla
PARA matutukan ang kanyang mga responsibilidad bilang mambabatas, pansamantalang humingi ng pagliban si Senator Robinhood Padilla bilang pangulo ng PDP Laban.
Sa inilabas na pahayag ng partido, si Davao City Vice Mayor-elect Sebastian “Baste” Duterte ang pansamantalang kapalit ni Padilla.
Sa ngayon, si Duterte ang executive vice president ng PDP Laban.
Baka Bet Mo: Robin Padilla dinisiplina sina Queenie at Kylie na parang mga sundalo
Ayon kay Padilla itinodo niya ang pangangampanya sa mga kandidato ng partido noong nakaraang eleksyon at nais niyang gampanan ang kanyang bahagi bilang mambabatas.
“Layunin ko pong ituon ang aking atensyon sa aking tungkulin bilang senador, lalo na sa paghahanda sa pagbubukas ng 20th Congress,” banggit ni Padilla sa kanyang sulat kay PDP Laban vice chairman Alfonso Cusi.
Tiniyak ng senador na nakatuon pa rin siya sa partido at nananatiling tapat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang chairman ng PDP Laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.