Bato dela Rosa boldyak kay Castro: Nakakaduda, nakakawala ng tiwala

Claire Castro at Bato Dela Rosa
BINARAG ni Palace Press Undersecretary Claire Castro si Sen. Bato dela Rosa dahil sa pagse-share ng Artificial Intelligence (AI) generated video kontra sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Nakakawalang-tiwala at nakakadismaya raw raw mula pa sa isang mataas na government official nagmula ang kumalat na fake news.
“Ang pagse-share ng katulad ng ganyan…muli, disinformation, fake news, hindi po sana nanggagaling sa mga opisyal ng pamahalaan.
“Nakakaduda, mas nakakawala ng tiwala kung mismo sa matataas na opisyal nanggagaling ang disinformation at fake news,” ang matapang na pahayag ni Castro sa kanyang press briefing ngayong araw, June 16.
Kasunod nito, pinuri at nagpasalamat si Castro sa mga netizen na naunang nagkomento at bumanat sa ni-repost na AI content ni Sen. Bato kahapon, June 15, sa social media.
“At mabuti po at ito ay nai-correct at napansin po ng ating mga kababayan,” pahayag ni Castro.
Matatandaang pinuri pa ni Dela Rosa ang mga estudyanteng nakakaintindi raw sa isyu ng impeachment trial laban kay VP Sara kalakip nga ang naturang AI generated video.
“Mabuti pa ang mga bata nakakaintindi sa mga pangyayari. Makinig kayo mga yellow at mga komunista!” saad ni Dela Rosa
Pinanindigan naman ni Dela Rosa ang laman ng naturang video at wala raw siyang pakialam kung AI lamang ito, dahil naniniwala siya sa mensaheng dala nito.
“I don’t care if this post is AI generated or Manobo generated because I am not after the messenger, I am after the message so, please don’t shoot the messenger without reading the message that he delivers,” sabi ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.