Gag order sa senator-judges hindi saklaw ng ‘power’ ni Sen. Chiz Escudero

PHOTO: Facebook/Chiz Escudero
Nilinaw ni Impeachment Court Presiding Officer Sen. Chiz Escudero na wala siyang kapangyarihan na magpalabas ng “gag order” sa senator-judges upang hindi na magbigay ng pahayag ukol sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Paliwanag ni Escudero, hinikayat niya ang mga kapwa-senador na huwag magbigay ng anumang pahayag noong panahon ng kampanya upang maiwasan na magamit ang isyu laban sa mga kandidatong senador.
Sa kasulukuyan, sinabi ni Chiz na nakapanumpa na silang 23 senador para magsilbing hukom sa paglilitis.
Baka Bet Mo: Presidential son Sandro Marcos unang pumirma para ma-impeach si VP Sara
Bahala na rin daw kung nais ng mga kapwa niya mambabatas na magkomento sa mga isyung bumabalot sa impeachment case.
Sinabi ni Escudero na may sapat nang pag-iisip ang mga kapwa-senador at wala siyang kapangyarihan na pagbawalan ang mga ito.
Ilang senador ang pinuna sa mga social media dahil ipinahahalata na nila ang kanilang pagkiling sa pamamagitan ng kanilang mga komento ukol sa impeachment case ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.