Luis Manzano sa nagdaang eleksyon: Delayed is not denied
NAGING bukas ang TV host-actor na si Luis Manzano sa kanyang naging journey noong nagdesisyon siyang pasukin ang mundo ng politika.
Sa kanyang latest vlog ay napag-usapan nila ng asawang si Jessy Mendiola ang mga nangyari matapos ang kanyang election experience.
Ayon kay Luis, magdesisyon siyang tumakbo para tumulong at magbigay serbisyo sa mga Batangueño.
Aminado rin siya na dahil sa nanggaling siya sa political family ay mayroon siyang urge na tumulong.
Baka Bet Mo: Luis Manzano balik na sa hosting, ‘Rainbow Rumble’ babanderang muli
View this post on Instagram
Chika pa ni Luis, bago pa siya nagdesisyong tumakbo ay marami nang humihirit sa kanya na maging lingkodbayan at ito ang naging lakas niya para mag-file ng candidacy noong October 2024.
Sa kabila ng mga tagasuporta at kanyang pagnanais na tumulong ay hindi pa rin nagwagi ang TV host na masungkit ang pwesto bilang bise gobernador.
Amin ni Luis, matapos ang eleksyon ay hindi siya nakatulog nang maayos.
“Hindi lang ako nakatulog masyado ng isang gabi. Ganun talaga ang mundo, hindi lang sa politika. Hindi ako nakapahinga ng siguro mga a day or two. Not because ‘talo’ ako, not because of that, but because alam ko ang gusto kong gawin para sa Batangas,” saad ni Luis.
Dagdag pa niya, “Delayed is not denied, natutunan ko yan, nabasa ko yan.”
Sey naman ng asawa ni Luis, sa kabila ng kanyang pagkatalo ay wagi pa rin ang kanilang pamilya dahil naluklok naman sa pwesto si Ate Vi, ang kanyang mother-in-law.
Sa kabila naman ng mga pangyayari ay natutuwa pa rin sila na may mga taong nagme-message sa kanila ng pagsuporta.
“Minsan ang iyong hindi pagkapanalo, ‘yun ang blessing sa ‘yo,” hirit pa ni Luis.
Sundot pa ni Jessy, “Yes, it’s God’s way of saying na maybe it’s not meant for you talaga. One of the Lord’s blessing na ibibigay sa ‘yo ni Lord talaga is redirection.”
Nangako naman sina Luis at Jessy na patuloy pa rin silang tutulong at gagawa ng mga bagay na ikatutuwa ng mga tao.
Sa tanong naman kung tatakbo siyang muli ay sa ngayon, hindi pa niya ito iniisip.
Nagpasalamat rin si Luis sa lahat ng mga taong sumuporta at nakasama nila sa nagdaang kampanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.