Ruffa Gutierrez sa relasyong Richard-Barbie: Naguguluhan ako sa kanila
MAGING ang aktres na si Ruffa Gutierrez ay confused sa estado ng relasyon ng kanyang kapatid na si Richard Gutierrez kay Barbie Imperial.
Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, June 12 napg-usapan nila ang kaniyang upcoming show at kauna-unahang GMA project na pinamagatang “Beauty Empire”.
At habang nagpo-promote si Ruffa ng kanilang show ay nalito ito at napaghalo ang pangalan ng co-star na si Barbie Forteza at ang kanyang charakter bilang si Velma Imperial at ang nasabi niya ay Barbie Imperial.
Matatandaang na-link ang kanyang kapatid na si Richard sa aktres matapos ang balitang nagkahiwalay na sila ng asawang si Sarah Lahbati.
Baka Bet Mo: Ruffa Gutierrez sa relasyon nila ni Herbert: ‘Going through a bump, not speaking’
View this post on Instagram
Natawa na nga lang sina Tito Boy at Ruffa sa kanyang pagkalito ngunit agad ring sinudutan ng tanong ng King of Talk ang aktres tungkol sa real score nina Richard at Barbie.
“I don’t know! Isa pa ‘yun… minsan bumpy, minsan okay,” tumatawang sagot ng aktres.
“Naguguluhan na ako sa kanila! But that’s life,” dagdag pa ni Ruffa.
Matatandaang early this year nang aminin ni Richard na may namamagitan sa kanila ni Barbie.
Sa kabila ng pag-amin ng kapatid ni Ruffa ay nilinaw niyang hindi si Barbie ang dahilan ng paghihiwalay nila ng asawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.