Dingdong, Karylle muling nagkita sa ‘Showtime’, hirit ng fans: Awkward!

Dingdong Dantes, Charo Santos, Vice Ganda at Karylle
IN FAIRNESS, marami ang natuwa at na-excite sa muling pagkikita ng dating magdyowang sina Dingdong Dantes at Karylle sa episode ngayong araw ng “It’s Showtime.”
Hot topic ngayon ng netizens sa social media ang guesting ng Kapuso Primetime King sa naturang noontime show kasama si Charo Santos para sa promo ng kanilang pelikula.
Ito ang unang pagkakataon na nagsama sa “It’s Showtime” sina Dingdong at Karylle kaya naman feeling happy ang kani-kanilang mga tagasuporta.
Naglaro sina Dong at Charo sa “Kid Sona” segment ng Kapuso at Kapamilya noontime show habang nanonood naman sa kanila sina Karylle at Vice Ganda.
Comment nga ng mga netizens, “the world is healing” na talaga dahil pinatunayan ng ex-celebrity couple na wala nang isyu sa pagitan nilang dalawa matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila noong 2008.
Hindi man nakita sa camera kung nag-usap o nagbatian ang dalawa pero feeling ng mga manonood ay okay na okay na sina Dingdong at Karylle.
Sabi nga ng isang netizen, “After all these years, finally, Karylle and Dingdong are seen on the same screen again. Sorry at this age kinikilig pa rin ako sa kanilang dalawa.”
Kung matatandaan noong 2023, inintriga ang pag-absent ni Karylle sa isang episode ng “It’s Showtime” nang bumisita sa programa si Dingdong kasama ang wifey niyang si Marian Rivera para mag-promote ng pelikula nilang “Rewind”.
Talagang inabangan ng madlang pipol ang inaasahang pagkikita sana nina Karylle, Dingdong at Marian pero hindi nga ito nangyari. Ayon kay Karylle, may sakit siya nu’ng araw na yun.
Matatandaang three years ding tumagal ang relasyon nina Karylle at Dingdong hanggang sa maghiwalay nga taong 2008. Sinisi ng kanilang fans si Marian na siyang third party umano sa breakup.
Ngunit sa kasalukuyan, pareho nang masaya sa piling ng kani-kanilang asawa sina Dong at Karylle.
Narito naman ang mga reaksyon ng madlang pipol sa muling pagkukrus ng landas nina Dingdong at Karylle.
“Luh 1st time ulit makita si dingdong at karylle sa tv thank god no issue na both side.”
“Si karylle hindi maka tingin. Sumusulyap.”
“Awkward galawan ni karyle halata.”
“Karylle and Dingdong ano yan parang d mapakali.”
“The moment na-realize kong present si Karylle ngayon habang guest si Dingdong, AKO ANG UNANG KINABAHAN AT NINENERBYOS!”
“HOY HAHAHHAHAAHHAHAHA AKO YUNG NA AWKWARD KAY DINGDONG AT KARYLLE HAHAHHAHAHA!”
“Indeed as Dingdong Dantes and Karylle had met each other for the first time again face to face Truly The World is actually healing.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.