Gabby Eigenmann ‘dinadalaw’ nina Jaclyn, Mark at Cherie sa panaginip

Gabby Eigenmann, Jaclyn Jose, Cherie Gil at Mark Gil
NAGPAPARAMDAM kay Gabby Eigenmann ang pumanaw niyang mga kapamilya kahit matagal nang namayapa ang mga ito.
Kuwento ng Kapuso actor, dinadalaw daw siya sa pamamagitan ng panaginip ng amang si Mark Gil, ng stepmom niyang si Jaclyn Jose, at tiyahing si Cherie Gil.
Nakachikahan ng ilang members ng media si Gabby after ng grand mediacon ng latest Kapuso series na”Encantadia Chronicles Sang’gre” kung saan gaganap siyang kontrabida.
Kuwento ni Gabby, “A few months ago. Yung panaginip na akala mo buhay pa sila. Ganu’n yung feel, so real.”
Sey pa ng aktor, kapag nakikita niya ang stepsister na si Andi Eigenmann ay naaalala niya ang nanay nitong si Jaclyn Jose.
“Si Andi kasi, isa siya sa…when I see her, hindi mo mabubura sa isip na kailangan kaakibat mo sa kanya ay mommy niya, and vice versa.
“Magkasama si Tita Jane (totoong pangalan ni Jaclyn), hindi mo puwedeng ihiwalay sa imahe na nakadikit pa rin kay Andi kahit saan kayo magpunta.
“Minsan nga kapag kausap, kunwari nandito siya. ‘Grabe! Para kang nanay mo!’ Ginaganu’n ko siya. ‘Kuya, hindi nga!’ ‘Oo!’ May mga expressions sila na pareho, nakaka-miss,” ani Gabby.
Pati rin daw ang alaala ng ama niyang si Mark Gil ay buhay na buhay pa rin sa isip at puso niya, “Lahat naman, e. Even to this day, there are times na naisip ko, kahit ang daddy ko… the more daddy ko.
“Napapag-usapan nga namin minsan na magkakapatid during the pandemic, ‘What if that daddy is still alive during the pandemic?’
“‘Oh my God! Isa kaya siya sa matigas ang ulo na bawal lumabas, pero nakikita mo, siya ang nasa labas,’ yung ganu’n!
“Even with Tita Cherie. Ano lang, nakaka-pressure kasi that’s why lahat ng atensiyon na puwede kong ibigay kay Tito Mike (Michael de Mesa), sini-savor ko.
“Like, kapag kunwari mag-iimbita, as much as possible, talagang o sige, lunch tayo, dinner tayo. Lalo na now, most especially my grandparents (Eddie Mesa at Rosemarie Gil) are here.
“Sila Mama, sila Papa nandito, e. So, trying to spend more time with each other. Kasi, July yata babalik na ng Amerika.
“Si Tito Mike naman, kagagaling lang ng Spain.So, ganunan kami,” ani Gabby.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.