Carmina, Gelli magaling mag-alaga ng asawa; hot na hot pa rin ang pagsasama

Gelli de Belen, Ariel Rivera, Carmina Villarroel at Zoren Legaspi
ANU-ANO nga ba ang sikreto sa likod ng solid na pagsasama ng celebrity couples na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi at sina Gelli de Belen at Ariel Rivera?
In fairness, #RelationshipGoals daw talaga ang dalawang mag-asawa dahil napanatili nila ang tahimik at maayos nilang pagsasama sa loob ng mahabang panahon.
Sa bagong vlog ng kaibigan nina Carmina at Gelli na si Aiko Melendez, napagchikahan nila ang tungkol sa kanilang married life at kung paano nila napapanatili ang mainit nilang pagsasama.
Ayon kina Gelli at Carmina, wala naman daw talagang “formula” para maging successful ang isang relationship.
“We don’t even try to keep the fire burning,” sey ni Gelli na 27 years nang kasal sa singer-actor na si Ariel Rivera.
“I guess it’s, so to speak, parang you just focus on each other’s needs.
“Feeling ko parang at the end of the day, if you respect each other, if you really accept each other, if you continuously want to give without counting what you’re going to get, it doesn’t matter, the fire doesn’t matter…it’s just there,” dagdag ni Gelli.
View this post on Instagram
Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nababawasan ang pagmamahal ni Carmina kay Zoren and vice versa. Halos 13 years na silang nagsasama bilang mag-asawa.
“Wala ring formula, hindi ko masabi na ‘step 1, kailangan ganito. Parag katulad sa sinabi ni Gelli, dapat pareho kayo ng goal, pareho kayo as a family, bilang mag-asawa.
“Siyempre kami, priority namin mga anak namin, pero hindi naman ibig sabihin nu’n na babalewalain din namin ang isa’t isa,” aniya pa.
Sa tanong kung nag-e-effort pa rin ba sila ngayon na mas maging maganda at maging fit and fab, parehong “yes” ang sagot ng magkaibigang aktres.
Pero sey ni Gelli, ginagawa raw niya ito “more for herself” at hindi na para sa ibang tao.
Sey naman ni Carmina, “Well actually si Zoren, lagi din niyang nire-remind sa akin ‘yun. Hindi naman niya sinasabi na ‘magpaganda ka para sa akin.’ Parang sinasabi lang niya na ‘you have to look good, to feel good.'”
Dagdag pa ng nanay nina Cassy at Mavy Legaspi, “Actually, mas more on ‘mag-exercise ka for your health.’
“‘Yun ‘yung lagi niyang sinasabi sa akin na maghanap daw ako ng hobbies din kasi nga huwag daw masyadong naka-focus sa mga anak ko or sa work ko.
“Kasi nga lumalaki na sila, may mga sarili na silang barkada and eventually magkakapamilya na sila, so ang ending ikaw nalang at ako,” sey pa niya.
Samantala,, sinabi ni Gelli na mas lumalim pa raw ang samahan nila ni Ariel mula nang manirahan at mag-aral sa Canada ang kanilang mga anak.
“Feeling ko mas naging close kami. If before partners kami in bringing up the kids, ngayon talagang partners kami in all aspects of our lives.
“I think we’re even in a better place relationship-wise, kasi we’re focused on each other. We only have each other here. Yung mga bata nasa Canada.
“Although malalaki na sila, naka-focus din naman kami sa kanila, pero 24/7 kami yung magkasama, eh,” esplika pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.