Senado ibinalik impeachment complaint vs. VP Sara sa Kamara

Senado ibinalik ang articles of impeachment laban kay VP Sara sa Kamara

Therese Arceo - June 10, 2025 - 11:36 PM

Senado ibinalik ang articles of impeachment laban kay VP Sara sa Kongreso

MATAPOS ang ilang oras na deliberasyon, nagdesisyon ang Senado na ibalik sa House of Representatives ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ngayong Martes, June 10, bumoto ang mga senador sa ipinasang mosyon ni Sen. Alan Peter Cayetano nq ibalik ang impeachment complaints ng bise presidente sa Kamara.

Ang Senado ang tumatayong impeachment court laban sa reklamo kay VP Sara.

Baka Bet Mo: Robin Padilla, Joel Villanueva nagkainitan dahil sa impeachment ni VP Sara

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

18 sa mga senador ang nag-approve sa inihaing mosyon ni Sen. Cayetano habang ang lima naman ay kumontra na ibalik sa Kamara ang impeachment complaint laban sa bise presidente.

Giit ni Sen. Alan Cayetano, hindi nangangahulugang dismissed o concluded na ang kaso sa kanilang pagbabalik ng articles of impeachment sa Kamara.

Ang 18 senators na bumoto at pumanig sa naturang mosyon ay sina Cayetano, Ronald “Bato” dela Rosa, Bong Revilla, Imee Marcos, JV Ejercito, Bong Go, Loren Legarda, Robinhood Padilla, Jinggoy Estrada, Francis Tolentino, Joel Villanueva, Pia Cayetano, Lito Lapid, Cynthia Villar, Mark Villar, Juan Miguel Zubiri, Raffy Tulfo, at Chiz Escudero.

Samantala, ang lima namang hindi pumayag sa inihaing amended motion ni Sen. Alan Cayetano ay sina Koko Pimentel, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, at Sherwin Gatchalian.

Matatandaang una nang naghain ng mosyon si Sen. dela Rosa na ibasura ang impeachment complaints laban kay VP Sara.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending