Zeinab Harake inspirasyon sa mga naloko, nasawi sa pag-ibig

Zeinab Harake inspirasyon sa mga naloko, nasawi sa pag-ibig

Therese Arceo - June 10, 2025 - 10:14 PM

Zeinab Harake inspirasyon sa mga naloko, nasawi sa pag-ibig

NAGSILBING inspirasyon ang love story ng social media personality na si Zeinab Harake para sa mga kababaihan na nasawi sa pag-ibig at patuloy na nag-aasam na makahanap ng tunay na pag-ibig.

Matapos ngang ibandera ng content creator ang vlog ng kanyang kasal, marami sa mga kababaihan ang muling na-inspire matapos masaksihan kung gaano kaganda ang kanyang love story matapos ang pagkasawi nito noon sa pag-ibig.

Nitong Lunes, June 9, ibinandera ni Zeinab ang clips mula sa kanilang engrandeng kasal ni Bobby Ray Parks Jr.

At isa sa pinakamagandang parte nito ay ang palitan nilang vows sa harap ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake hindi nga na inimbita ang ina sa kasal, how true?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Dear Ray, on this day my heart speaks to you knowing that it is God’s will for me to marry you. I make a commitment to you today. I commit to submit to you, love you with the same love Christ has shown us. I will honor you, serve you and lift you up in all seasons of life,” panimula ni Zeinab.

Pagpapatuloy niya, “I will choose you everyday even on the days when it’s hard. Lalo na kapag magkalayo tayo, palagi kitang aantayin hanggang makauwi ka sa amin. I know LDR (long distance relationship) is hard but not having you in my life is harder. I will not hinder you but inspire you and encourage you as a head of our household.”

Chika pa ni Zeinab, sobrang swerte nila nina Bia at Lucas sa pagdating ni Ray at ipinagpapasalamat niya ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanila ng basketbolista.

“I truly thank God for giving me the right one. I love you so much Bobby Ray Parks. Mahal na mahal kita. Arat na sa habang buhay!” dagdag pa ng vlogger.

Sa Facebook ay makikitang marami ang happy para kay Zeinab at nag-aasam na tulad ng content creator na ilang beses naloko at sinaktan ng nagdaang karelasyon ay nakahanap rin ng taong itinadhana sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“this is indeed a beautiful love story..iba gumalaw ang Lord.”

“Grabe nakakatouch ung mga ganitong wedding na puro about kay Lord ang sinasabi ng kinakasal.. si Lord talaga ang nagbigay kay Zeinab ng lalaking mamahalin sya pati mga anak nya.. Godbless to both of you…”

“Congratulations and best wishes Mr. and Mrs. Parks.. ang nkakatouch naman ang wedding vows ninyo lalo na yung sinabi ni groom and super nkakahanga ang pagmamahal ng groom di lang para sa bride pati na din sa mga bata.ikaw na mr. Parks ikaw na talga!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending