Marvin Agustin naging janitor, waiter, cashier: Dito ako natuto

Marvin Agustin naging janitor, waiter, cashier: Dito ako natuto

Therese Arceo - June 10, 2025 - 08:33 PM

Marvin Agustin naging janitor, waiter, cashier: Dito ako natuto

NAGBALIKTANAW ang aktor at businessman na si Marvin Agustin sa kanyang naging dating buhay bago pasukin ang mundo ng showbiz.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi niya ang throwback photo na kuha sa isa g restaurant kung saan siya unang nagtrabaho noong 1995.

“Grabe this was 1995, TIA MARIA’S Mexican Restaurant days! Dito ako natuto respetuhin at mahalin ang kahit na anong klaseng trabaho. Dito all around kami kasi mahina ang benta namin nun,” saad ni Marvin.

Aniya, noong mga panahon na ‘yung ay kinakailangan nilang gawin ang iba’t ibang responsibilidad sa restaurant dahil nga sa mababang benta.

Baka Bet Mo: Jolina Magdangal, Marvin Agustin pumayag na sa halikan, love scene?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I remember in a day ikot ang mga responsibilidad namin, WAITER, Bar Tender, Kitchen Help, Cashier, minsan Sekyu or Janitor, Local Store Marketing. LAHAT! Hahaha,” pagpapatuloy ni Marvin.

Dagdag pa niya, marami siyang natutunang mahahalagang leksyon sa kanyang pinagdaanan sa buhay.

Payo pa ni Marvin sa mga followers, ‘wag susukuan ang mga pangarap sa buhay.

“Kaya LABAN LANG NG LABAN. Walang makakatalo sa taong ayaw magpatalo!” sey pa ng aktor.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens na naging inspirasyon ang post ni Marvin sa kanilang pagharap sa hamon ng buhay.

“Thank you sa post mo na to, Sir Marvin! Kailangan ko to now. remember, first kitang nakita sa MTB nagbackup dancer ako sa friend ko.

Ikaw yung unang artistang pumansin samin. Sumunod, working na ko sa Lugang Greenhills. llang beses mo kong naging Food attendant. Feeling ko close na kagad tayo non. Hahaha.

Ang gwapong mabait na humble!” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “Thank you po Sir @marvinagustin sa ganitong klaseng motivation. Sa totoo lang pasuko na ako sa buhay ko ngayon.”

Nireplyan naman ito ni Marvin at sinabing, “Wag ka susuko. Im sure narinig mo na to, hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan ngayon. Madami, madaming madami. Halos lahat ng tao. Pero kinakaya nila. Dahil kaya naman talaga. Hindi lang sumusuko ang nakakarami kaya nila nalalagpasan ang pagsubok.

“At pag nalagpasan mo, mas malakas ka. Mas matibay. Mas may kumpyansa sa buhay. Ang advise ko sayo, KAYANIN MO DAHIL KAYA MO..”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending