Sylvia Sanchez rumampa sa Cannes red carpet, humanga kay James Franco
IKATLONG beses nang nakapunta ng Paris, France ang Nathan Studios Chief Operation Officer na si Sylvia Sanchez para dumalo ng Cannes Film Festival pero ngayong 2025 lang siya napasama sa red carpet para sa pelikulang “Renoir”.
Sa unang taon ni batikang aktres ay nag-observe lang siya kung paano ang galawan sa Cannes dahil nga pinasok na niya ang pagpo-produce, ang ikalawa ay dala niya ang pelikulang “Topakk” na unang pelikulang produced by Nathan Studios na naibenta niya roon at ipinalabas at sa ibang bansa bago naging entry sa 2024 Metro Manila Film Festival, same year ay dala rin niya ang TV series “Cattleya Killer” na collab ng ABS-CBN.
Nu’ng nakaraang taon, 2024, ay ang short film na “Sili” naman ang dala ni Sylvia na ipinalabas sa opening ng Cannes Film Festival for directors film.
Sa nakaraang tatlong taong pabalik-balik ni Ibyang sa Cannes ay bumibili siya ng mga pelikula bilang distributor at ang mga naipalabas na ay ang “Monster”, “Picnic” at iba pa hanggang sa umasam siya na sana someday ay makalakad din siya sa red carpet.
Baka Bet Mo: Sylvia Sanchez sa paglaban ng ‘Renoir’ sa Cannes 2025: Malaking impact ‘to!
View this post on Instagram
Unang nagkakilala sina Sylvia at co-producer niyang si Alemberg Lim ng Daluyong Studios, Inc sa Cannes.
“Unang pagkakilala palang niya (Ibyang) sa akin sabi niya, ‘hanapan mo ako ng pelikulang pupunta (mapapasali) sa Cannes,” balik-tanaw ni Alem.
Sabi naman ni Sylvia, “Ang Cannes Film Festival ang pinakamalaking festival sa buong mundo at siyempre lahat ng artista, Hollywood at iba pa na doon din nangangarap na makapunta, magka-award, ag red carpet. Ako red-carpet lang okay na ako.
“Kaya nu’ng i-offer sa akin itong Renoir, why not baka makapag-red carpet ako, di ba? At the same time nakilala ka ro’n as filmmaker at hindi artista at natupad ngayon kaya hindi ako nagkamali na mag-trust kay Alem sa grupo, so, ‘yun ang umpisa namin sa red carpet, sana next year magkaro’n ulit.”
Unang nagkakilala sina Sylvia at Alem dahil sa pagiging suplado nito na na-challenge ang aktres.
“Si Alem kasi tahimik, so, may connotation na suplado siya. Hindi na bago sa akin ang suplado kasi may number one na suplado sa tabi ko, asawa ko. Gusto ko ‘yung mga suplado at mas nire-reach ko kasi meron dahilan kung bakit ganu’n,” kuwento ni Ibyang.
Dagdag pa ni Sylvia, “sabi ko in case gusto niya ng producer puwede ako.”
Sa parte naman ni Alemberg ay nagulat siya kasi ang sabi nga sa kanya kaagad ng aktres na hanapan siya ng pelikula na puwedeng ipasok sa Cannes. Sa loob niya ay, “anong ginagawa ng artistang ito dito?”
Inakala ng Daluyong Studios producer na one of those lang si Sylvia na mag-aalok tapos waley na dahil marami na siyang experiences na hindi naman natuloy.
Sa madaling salita nagkatuluyan ang Nathan Studios at Daluyong Studios na mag-collab sa pelikulang Renoir, isang Japanese movie na drama ang genre tungkol sa batang babae na coming of age.
Nagshoot din dito sa Pilipinas kasama ang mga kilalang artista at natuwa naman daw sina Alemberg at Ibyang dahil kasama sila sa credits ng Renoir.
Ito ay sinulat at idinirek ni Chie Hayakawa at ang cast ay sina Yui Suzuki, Lily Franky, Hikari Ishida at Ayumu Nakajima.
Nagkaroon ng world premiere sa main competition sa katatapos na 78th Cannes Film Festival noong May 17 ang Renoir at ipalalabas ito sa Japan sa June 20, 2025.
Pagkatapos naman sa Japan ay ipalalabas din sa France sa Agosto at sa Pilipinas ng Nobyembre para sa QCinema International Film Festival.
Bukod sa red-carpet ang nagpatalon ng puso ni Ibyang ay nang personal niyang makita ang mga premsyadong Hollywood stars.
“Kasi di ba being an actor din masaya sa pakiramdam na makita mo lahat ‘yung mga Hollywood actors at nag fangirling talaga ako, sobrang lapit ko kay Cate Blanchett na hindi ko na nakunan ng picture kasi natulala na ako, sumunod si Halle Berry,” masayang kuwento ni Sylvia.
Ang hindi niya makakalimutan ay si James Franco na nakilala sa “Spider-Man” trilogy, “Rie of the Planet of the Apes”, “Eat Pray Love” at iba pa.
Dumaan daw sa likod ng aktres ang Hollywood Actor at tinawag niya ang pangalan at lumingon sabay ngiti hanggang sa pumasok na ito sa isang silid.
“Bumilib ako kay James Franco kasi sanay naman akong makakita na ng Hollywood stars pero tumatanggi silang magpa-picture. Hanggang sa pumasok na si James tapos hindi ko in-expect na babalik siya tapos nagsabi siya (muwestra magpa-picture), kaya nagulat ako kaya panay ang thank you ko tapos nata-thumbs up siya,” masayang kuwento ng aktres.
Isa pang ikinagugulat ni Ibyang ay sa ilang taon palang ng Nathan ay ang bilis ng level up nito at nakapasok na sila sa Cannes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.