Katrina Velarde sa umintriga sa kanyang retoke:My body,my choice

Katrina Velarde sa umintriga sa kanyang retoke: My body, my choice

Therese Arceo - June 10, 2025 - 06:16 PM

Katrina Velarde sa umintriga sa kanyang retoke: My body, my choice

PINALAGAN ng singer na si Katrina Velarde ang mapanghusgang komento ng netizen patungkol sa kanyang pagpaparetoke.

Kamakailan lang ay inamin ng singer ang dahilan kung bakit hindi ito nakapunta sa nagdaang concert ng 98 degrees na may kaugnayan sa ipina-enhance niyang ilong.

Ani Katrina, kinakailangan niyang ipatanggal ang silicone implant sa lanyang ilong dahil sa kumplikasyon.

“After kong mag-post about sa hindi ako makaka-attend sa 98 Degrees (concert)… I needed to have my nose implant removed as soon as possible, and it takes a while para mag-recover,” sey ng singer.

Baka Bet Mo: Katrina Velarde pinatanggal silicone implant sa ilong, nagkakumplikasyon

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matapos nga ang rebelasyon ni Katrina ay umani naman ito agad ng samu’t saring komento mula sa netizens.

Ang ilan ay nagsasabing magpagaling at nagpahinga ang singer.

Ngunit hindi pa rin mawawala ang mga netizens na may negative say kay Katrina.

Nagbigay ng payo na may halong talak ang isang netizen sa singer na sinagot lang nito ng, “hi i think it’s my body my choice pero thank you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nagsabi pa nga kay Katrina na pangit ito ngunit maganda ang boses.

Reply niya, “wow hiyang hiya naman kami sa profile picture mong tago ang mukha.”

Matatandaang dalawang beses nang may ipinagawa si Katrina sa kanyang ilong ngunit parehas itong ni-reject ng kanyang katawan kaya nagkakaroon ng komplikasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending