Zeinab Harake hindi nga na inimbita ang ina sa kasal, how true?

Zeinab Harake hindi nga ba inimbita ang ina sa kasal, how true?

Therese Arceo - June 10, 2025 - 05:04 PM

Zeinab Harake hindi nga na inimbita ang ina sa kasal, how true?

TRULILI nga kaya ang mga kumakalat na chika na ang mismong ina ni Zeinab Harake na si Mariafe Ocampo ay hindi imbitado sa kanyang engrandeng kasal sa basketbolistang si Bobby Ray Parks Jr.?

Naglalabasan ngayon sa social media ang pahayag ng isang netizen na nakita niya ang ina ng social media personality sa isang convenience store sa Cavite.

“Nakita ko ang nanay ni Zeinab noong June 1 around 6pm-7:30pm sa Alfamart dito sa Silang, Cavite. May pumasok na dalawang babae, yung isa mas matanda, nakaformal like kagagaling lang sa event.

“Habang pumapasok sya sa pinto nagsasalita sya like(not exactly but same thought) ‘Ako na sariling nanay, hindi pinapasok ni zeinab sa kasal’, ‘Gusto nila sumikat?’ Lalo silang sisikat sa ginagawa nila. Ipopost ko sila sa facebook ko, silang dalawa ni zeinab at ray parks,” saad sa naturang comment ng netizen.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Bobby Ray Parks mag-asawa na, ikinasal sa Tagaytay –ulat

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad nga raw tsinek ng netizens Ivana Alawi ang Facebook at TikTok account ni Zeinab at ng mama nito at dito niya nakumpirma na amng ina ng vlogger ang kanyang nakita.

Base rin sa inilabas na vlog ng content creator ng kanyang kasal ay makikitang wala ang kanyang ina at tanging ama niya lang ang naghatid sa kanya sa altar.

Nang bisitahin namin ang Facebook account ng ina ni Zeinab ay may mga cryptic stories ito.

“Kapag may mga taong sinaktan ka emotionally. Take it as a sign na hindi sila worth sa presence mo. Distance yourself at wag mong hayaan sirain nila ang mental health mo

Mas importante ang inner peace mo,” mababasa sa unang story nito.

Sa ikalawang story naman ng ina ni Zeinab ay pumapatungkol sa “toxic people”.

“Toxic people will do you dirty, then try to convince people that you’re the problem.”

Samantala, sinagot naman ng manager ni Zeinab na si Jhay Isidro ang tanong kung bakit wala ang ina ng kanyang alaga sa big day nito.

“Not feeling well,” maikling sagot nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mas lalo ngang lumakas ang chika na baka may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa dahil sa latest story ni Zeinab.

“Listen to God, not them.”

Samantala, bukas naman ang BANDERA para sa panig at paglilinaw ni Zeinab tungkol sa pagiging absent ng ina sa kanyang pinakaimportanteng araw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending