Gabby Eigenmann kampi kay Jake Ejercito sa pagbanat kay Crist Briand

Gabby Eigenmann, Ellie Ejercito, Crist Briand at Jake Ejercito
KINAMPIHAN ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann si Jake Ejercito sa pag-call out sa isang vlogger matapos bidyuhan ang anak nitong si Ellie nang walang pahintulot.
Nagalit si Jake at talagang binalaan ang content creator na si Crist Briand matapos kunan ng video ang menor-de-edad niyang anak habang naglalakad at inilabas sa kanyang social media pages.
Nagbanta siJake at sinabing pinag-aaralan na nila ang gagawing legal action laban sa vlogger.
“This influencer filmed Ellie without her consent. She did not want to be in his video—let alone be posted by him. Clout-chasing should never come at the cost of someone’s privacy, especially a minor’s. Please report this reel.
“I’m now in the process of exploring legal options,” aniya pa.
Sa grand media launch ng “Encantadia Chronicles Sang’gre” kung saan gumaganap na kontrabida si Gabbi, ay natanong siya ng BANDERA kung ano ang naging reaksyon niya tungkol sa kanyang pamangkin.
“That was the right thing to do, alam mo ‘yun? I cannot disagree more,” sabi ng aktor. Ganu’n din daw ang gagawin niya kung sakaling sa anak niya mangyari ang ganu’n.
.
“Si Ellie, gaganyan-ganyan lang ‘yan pero game naman ‘yan, eh. Pero kapag ganyan na uncomfortable siya…you’ll know when a person is uncomforrable, eh. It’s not just because it’s Ellie. It could be someone else.
View this post on Instagram
“It could be someone else na kapag tinapatan mo na ng camera and uncomfortable ‘yun, you’re evading the space na kaagad, eh. So, tama ‘yung ginawa ni Jake,” sabi ng Kapuso actor.
Isa pa sa natanong kay Gabby ay kung paano naman niya sinuportahan ang kapatid na si Andi Eigenmann nang magkaroon ito ng isyu sa fiancé na si Philmar Alipayo nang dahil sa ibang babae.
“Alam mo, sa totoo lang, I’ll always be her brother, regardless. Pero kapag may mga ganyan, hindi naman sa wala akong pakialam Hindi ako nakikialam. Because she’s an adult, they’re adults. They have to face their own problems on their own.
“Pero alam ko ‘yung sitwasyon, alam ko ‘yung nangyari. She called me, she messaged me, we talk about it. Sabi ko, ‘it’s not the end of the wold.’ Alam mo ‘yun? Lahat ng problema, nagagawan ng solusyon,” saad ng aktor.
“Hindi ko na sinabi sa kanya na ‘sana, hindi ‘yan, sana ganito,’ hindi na, kasi diskarte na niya ‘yan dahil she’s of age, eh. ‘Yan ang naging way niya, whatever consequences that comes along with it, she has to deal with it.
“O, tingnan mo ngayon, tapos na, okay na, so anon’g nangyari, ‘di ba? At the end of the day, kung tatanungin mo ‘ko kung mali ba o tama ‘yung ginawa niya, hindi ko na ‘yan pag-aaksayahan ng panahon para mag-agree or mag-disagree. It is what it is,” katwiran pa ni Gabby.
Samantala, very thankful ang aktor sa GMA 7 dahil napili siyang maging bahagi ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Zaur, isang warrior sa kahariang Mine-A-Ve.
Rebelasyon.ni Gabby, ang unang inalok sa kanya ay ang role ng yumaong si Ricky Davao na mula sa mundo ng mga tao.
“When ‘Sang’gre’ was offered to me, I was supposed to be sa mundo ng tao. I was supposed to do tito Ricky’s role but I was doing My Guardian Alien during that time. Hindi ako pinayagang tumawid.
“So, natuloy sila. Akala ko, parang hopeless na. Parang wala na. Kasi, hindi talaga ako papayagan kasi ginagawa ko pa ‘yung ‘My Guardian Angel.’
“Nun’g patapos na kami, they (produksyon ng Sang’gre), came up with a character which is ‘yun nga, si Zaur. So, natuwa naman ako kasi nagawan pa rin ng paraan na maipasok pa rin ako,” kuwento ni Gabby.
Mapapanood na simula sa June 16 ang “Encantadia Chronicles Sang’gre” sa GMA Prime na pagbibidahan ng mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali (as Terra), Kelvin Miranda (as Adamus), Faith Da Silva (as Flamarra), at Angel Guardian (as Deia).
Kasama rin dito sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Rhian Ramos, Jon Lucas, Manilyn Reynes, Boboy Garrovillo, Mikee Quintos, Vince Maristela at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.