Robin Padilla: Kahit sunugin mo ‘ko, mangangamoy Rodrigo Duterte ako!

Robin Padilla, Sara Duterte at Rodrigo Duterte
MATIGAS pa rin ang paninindigan ni Sen. Robin Padilla na dapat nang ibasura ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Diretsahang ibinandera ng aktor at politiko na totoong may mga resolusyong inihahanda ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado upang tuluyang maibasura ang impeachment ni VP Sara.
Sabi ni Robin sa panayam ng media, nagkakaisa ang mga Duterte ally sa kanilang layunin pero magkakaiba raw ang mga resolusyong ginagawa nila kontra VP Sara impeachment.
“Hindi kami nag-uusap-usap. May kaniya-kaniya kaming isip, may kaniya-kaniya kaming gawa, may kaniya-kaniya kaming staff.
“Kami, Duterte kami. ‘Di ba malinaw naman siguro ‘yun? Kahit sunugin mo ‘ko dito, mangangamoy Rodrigo Roa Duterte ako.
“Pero yung draft ko, walang kinalaman sa draft ni ganito o sa draft ni ganon. Akin yun sa sarili ko,” matapang na sabi ni Sen. Robin.
Nagsimulang sumabog ang tungkol sa isyu ng mga Senate draft kontra impeachment kay VP Sara nang ilantad ni Sen. Imee Marcos na marami na umanong resolution na kumakalat sa Senado.
Kasunod naman nito ang pag-amin ni Sen. Bato dela Rosa na isa sa mga resolusyong kumakalat ay nagmula sa kanyang opisina kung saan inisa-isa niya ang personal na sentimyento hinggil sa impeachment complaint sa bise presidente.
Nasabi rin ni Bato na maraming Pilipino rin daw ang kumokontra na litisin si VP Sara sa Senado.
Ito’y base raw sa mga nakausap niyang mga kababayan natin noong kasagsagan ng kampanya para sa 2025 midterm elections last May 12 kung saan nanalo nga siya uli bilang senador.
Binanggit niya ang mga botante mula sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.
“Alam ko lahat ng tao sa Mindanao at Visayas, as I have observed during the campaign period, sabi nila, ‘Iboboto kita kung hindi ka magboto sa impeachment.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.