'I Heart PH' ni Valerie Tan mas pinabongga: Next level na 'to!

‘I Heart PH’ ni Valerie Tan sa GTV mas pinabongga: Next level na ‘to!

Ervin Santiago - June 10, 2025 - 09:05 AM

'I Heart PH' ni Valerie Tan sa GTV mas pinabongga: Next level na 'to!

Valerie Tan at Liew Chian Jia

IN FAIRNESS, mahusay naman talaga ang TV host at content creator na si Valerie Tan kaya naman deserving siyang makatanggap ng mga award.

Si Valerie ang host ng award-winning lifestyle and travel show na “I Heart PH” na napapanood sa GTV every weekend, and produced by TV8 Media.

Nagsimula nang umere ang Season 10 ng  38th PMPC Star Awards for Television Best Lifestyle and Travel Show, na ang destination ngayon ay sa Hong Kong.

Ipinalabas nitong nagdaang Sunday, June 8, ang unang bahagi ng 3-part Hong Kong special ng programa na talagang inabangan at tinutukan ng mga manonood.

“Ginawa naming bonggang-bongga to the next level ang ‘I Heart PH’ for this season. Inumpisahan namin with the trip to Hongkong.

“So pupunta kami, the usual, Disneyland, nag-night market kami, shopping, foodtrip, pero bukod diyan na-discove din namin ‘yung mga hindi pa napupuntahan ng mga Pinoy.

“Pumunta kami ng fishing village, ‘yung Hong Kong pala before siya maging urban, fishing village siya,” pahayag ni Val sa naganap na mediacon ng programa kamakailan.

“We also visit the monastery, nag-attend din kami ng isang festival na sikat sa kanila, Bun Festival. Sikat ito sa locals na gusto rin naming makilala ng mga Pinoy para kapag nagpunta sila sa Hong Kong, dadayuhin din ito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗲 𝗧𝗮𝗻 (@missvalerietan)


Nag-foodtrip din siyempre at tinikman ni Valerie ang iba’t ibang lafang sa HK.

“For now Hong Kong muna, pero siyempre tuloy-tuloy pa rin kaming maghahatid ng mga kuwentong Pinoy. Lifestyle, technology, travel, food at iba pa. Health also,” sey pa ng TV host tungkol sa “I Heart PH Season 10.”

Dagdag pa niya, “Memorable ‘yung pagpunta ko sa Hong kong Disneyland, kasi  may bago sila, ‘yung frozen and naalala ko kasi ‘yung first ever na nagkaroon ako ng suweldo, 20 plus years old ako dinala ko ‘yung mom ko sa Disneyland.

“Parang may nostalgia factor siya. Nakabalik ulit ako sa Hong Kong Disneyland mismo kaya masaya, para kang bata ulit,” aniya pa.

Samantala, aside from Hong Kong, trip din ni Valerie na maglamiyerda sa Switzerland, “Kung mangangarap lang itodo na natin ‘di ba, Switzerland. Kasi para raw postcard and i never been there. Na kahit saan ka raw tumingin akala mo nasa painting ka.”

Ano naman ang mga bagong challenges na hinaharap niya bilang host ng isang travel and lifestyle show, “I guess ‘yung you ned to keep up the energy kasi minsan long hours ‘yung taping, long hours ‘yung shoot.

“Pero always remember na host ako na isi-share ko sa viewers ko ‘yung experience ko. Na kahit pagod okey lang kaunting kape lang, kaunting sugar kaya naman.

“And ang maganda riyan when I’m on stage, I’m really happy, kasi feeling ko home ko talaga siya, masaya talaga ako.

“Kahit na may problema ako, pag-akyat ko na ng stage nawawala siya nakakalimutan ko siya and i feel like kaya nagre-resonate ‘yun sa tao it’s because napi-feel nila ‘yung energy ko and happiness ko and ‘yung vibe ko.

“Kapag hindi ako nagho-host malungkot ako, source of happiness ko siya,” aniya pa.

Sana raw at mabigyan din siya ng chance na makapag-host ng game show at variety show, “I want to host a game show, I want to host a variety show, marami pa. Feeling ko ang dami ko pang kakayahan na puwede ko pang maipakita.”

Mapapanood ang dalawa pang bahagi ng Hong Kong sojourn ng “I Heart PH Season 10”  tuwing Linggo, 10:30 a.m. sa GTV.

Siyanga pala, nakipag-collab din ang programa sa Hong Kong Tourism Board para sa kanilang 3-part special. In fact, present sa presscon ng show si HKTB Regional Director Liew Chian Jia.

“HKTV greatly values its partnership with I Heart PH. This collaboration presents a unique opportunity to highlight Hong Kong’s rich culinary, cultural, and entertainment offerings to Filipino audiences.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Notably, I Heart PH is the first television program in the Philippines to offer a glimpse of Hong Kong Disneyland’s 20th anniversary celebrations, the most magical party of all,” sabi pa ni Liew.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending