Bato sa Sara Duterte impeachment: Do not use term taumbayan!

Bato sa Sara Duterte impeachment: Please, do not use term taumbayan!

Ervin Santiago - June 10, 2025 - 01:10 AM

Bato sa Sara Duterte impeachment: Please, do not use term taumbayan!

Sara Duterte at Bato dela Rosa

TULOY ang paninindigan at pagtatanggol ni Sen. Bato dela Rosa kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng impeachment trial nito sa Senado.

Muling naglabas ng kanyang saloobin ang kontrobersyal na senador laban sa lahat ng sumusuporta at nagtutulak na ituloy na ang pagdinig sa mga impeachment complaint na isinampa sa bise presidente.

Nagsalita si Bato tungkol dito sa isinagawang plenary session kahapon, June 9,  kung saan ipinagdiinan niya na maraming Pilipino rin daw ang kumokontra na litisin si VP Sara sa Senado.

Ito’y base raw sa mga nakausap niyang mga kababayan natin noong kasagsagan ng kampanya para sa 2025 midterm elections last May 12 kung saan nanalo nga siya uli bilang senador.

Binanggit niya ang mga botante mula sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.

“Alam ko lahat ng tao sa Mindanao at Visayas, as I have observed during the campaign period, sabi nila, ‘Iboboto kita kung hindi ka magboto sa impeachment.’

“Kaya please, do not use term ‘taumbayan’ palagi because ‘taumbayan’ is hindi lang kayo. There are always two sides of the coin,” pahayag ni Dela Rosa.

Aniya pa, “Wala bang value ‘yung mga taumbayan na nagsasabing ayaw namin ng impeachment?

“Gusto nila, ang iba-value ng Senado ay ‘yung taong nagsasabi na ‘forthwith-forthwith’ kuno ‘yung impeachment na ‘yan?” saad pa ng senador at kilalang kaalyado ng pamilya Duterte.

Base naman sa resulta ng survey na inilabas ng OCTA Research Tugon ng Masa (TNM) noong June 9, 78% ng mga Pinoy ang pabor na harapin ni VP Sara ang impeachment trial sa Senado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending