Euleen Castro nag-sorry sa chef, barista, owner ng inokray na coffee shop

Euleen Castro
“HINDI ko po hiniling ever na may magsarang restaurant just because of my feedback.”
Iyan ang bahagi ng pahayag ng vlogger na si Euleen Castro o mas kilala sa tawag na Pambansang Yobab matapos ma-bash sa inilabas niyang food review sa isang coffee shop sa Iloilo.
Kaliwa’t kanang batikos ang natanggap ni Euleen dahil sa pang-ookray niya sa lahat ng food and drinks sa pinuntahang coffee shop kasama ang ilan niyang kaibigan.
Ilang araw ang nakalipas, naglabas ang content creator ng isang vlog sa kanyang YouTube channel upang magpaliwanag sa nangyari kasabay ng paghingi ng paumanhin sa lahat ng nagalit at na-offend sa ginawang bad review.
Paliwanag ni Euleen, after nilang manood ng sine ay naghanap nga sila ng isang café sa Iloiolo hanggang sa magdesisyon na nga silang pasukin ang nasabing coffee shop.
Talagang inorder daw nila ang halos lahat ng nasa menu para matikman ang mga ito. Sey ni Euleen, “Honestly, hindi po talaga ako nasarapan, and opinyon ko naman po ‘yon.”
Ngunit ipinagdiinan ng vlogger na wala naman siyang sinabi sa publiko na huwag nang pumunta o huwag nang tangkilikin ang nasabing café.
“Hindi ko sinabing huwag puntahan, hindi ko sinabing magsara kayo,” ang punto pa ni Euleen.
Sa pagmumura naman daw niya na isa sa mas nagpagalit pa sa ginawa niyang food review, nilinaw ni Euleen na hindi naman daw niya minura ang pagkaing inorder nila, pati ang coffee shop at staff ng café
“About doon sa pagmumura, main issue n’yo is nagmura ako doon sa pagkain, hindi ko po minura ‘yung pagkain, ‘yung staff, ‘yung cafe, wala akong minura. Expression ko lang po talaga ‘yun,” katwiran ng vlogger.
Aniya pa, “Akala ko po kasi lahat nage-gets na ‘yong humor ko, lahat ng followers ko. Doon ako medyo nag-lean sa gets naman ako ng supporters ko.”
Sa huling bahagi ng video ay nag-sorry ang Pambansang Yobab sa lahat ng mga na-hurt at na-bad trip sa mga nasabi niya sa viral food review, lalo na sa staff at may-ari ng cafe.
“May pagkukulang. May mga pagkukulang naman talaga, kasi first hindi tayo nag-disclaimer, hindi ako nag-disclaimer, tapos hindi ko talaga in-explain.
“Hindi ako naging constructive sa feeling kong kulang, sa panlasa ko, ‘yun ‘yung pagkukulang ko doon. At iyon ang ihihingi ko po ng pasensya. Sa mga taong nasaktan ko especially sa mga chef, sa mga barista, sa mga servers, and sa owner na rin po ng cafe na ‘yun, pasensya na po kayo kung ‘yun po ‘yung naramdaman n’yo at naipahatid ng video ko, hindi po talaga ‘yon.
“Hindi po ‘yun ‘yung mine-mean ko. Ang gusto ko lang po is ibigay lang ‘yung feedback ko na hindi po ako nasarapan doon sa food, sa mga natikman ko, pero hindi po para pasamain, hindi ko po hiniling ever na may magsarang restaurant just because of my feedback,” paliwanag niya.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang sagot ang management ng café sa inilabas na public apology ni Euleen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.