Bongbong Marcos pinatutukan ang presyo ng school supplies

PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos
PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Department of Trade and Industry (DTI) na abot-kaya ang presyo ng mga gamit pang-eskwela.
Ito ang dahilan kayat naglabas ang DTI ng price guide ng mga gamit ng mga estudyante bago ang pagsisimula muli ng mga klase ngayon buwan.
Sinabi ni Presidential Press Officer Claire Castro makakatulong ang price guide sa mga magulang at estudyante sa pagbili ng mga gamit pang-eskwela.
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos tiwalang tuluy-tuloy ang bentahan ng P20/kilo ng bigas
View this post on Instagram
“Iniutos ng Pangulo sa DTI na siguraduhin na naaayon ang mga school supplies sa tamang presyo,” aniya.
Dagdag pa ni Castro; “Mabilis na aksyon ang nais ng Pangulo para mabantayan at mapanatiling abot-kaya ang mga gamit pang-eskwela para sa pamilyang Pilipino.
Base sa price guide, 29 gamit ang bumaba ang presyo ngayon taon mula sa presyo noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.