Dennis, Jennylyn magte-taping sa Italy, Dubai para sa ‘Sanggang Dikit’

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
BONGGACIOUS pala talaga ang pagbabalik sa primetime ng Kapuso celebrity couple na sina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo.
Sa kauna-unahang pagkakataon, sasabak sa action-romance-comedy sina Jen at Dennis, ang inaabangan na ng mga Kapuso viewers na “Sanggang Dikit FR.”
Sa naganap na grand media launch ng naturang teleserye kamakailan, in-announce na magsu-hooting din ang mag-asawa at ilang cast members sa Milan, Italy, sa Zurich, Switzerland, at sa Dubai, United Arab Emirates.
Bukod dito, naimbitahan din ang Team “Sanggang Dikit FR” sa ilang Filipino community events sa iba’t ibang bansa.
Kasado na ang exclusive meet and greet ng cast sa Milan sa darating na June 22, sa Philippine Festival 2025 sa Zurich on June 28, at ang meet and greet sa Global Filipino Career and Entrepreneurship Summit sa Dubai on June 29.
Ayon kay Vice President and Head of Operations of GMA International Joseph Francia, ang mga special events na ito ay magiging bahagi ng 20th anniversary ng GMA International.
“As you know, mga kasama sa industry, we have many challenges. We need beautiful projects like ‘Sanggang Dikit FR’, the storytelling, the visuals, beautiful cast, great acting—to continue to survive. Not to survive, but to thrive in this very challenging time in our industry,” ani Francia.
View this post on Instagram
Aniya pa, “And I’m sure, our viewers here and abroad are already excited for this new show.”
Samantala, may conscious effort sina Jennylyn at Dennis na palaging pairalin ang kanilang professionalism sa shooting ng kanilang upcoming series sa GMA 7.
Chika ni Jennylyn, “Kasi ‘pag sa bahay, iba ‘yon. Nasa bahay kami bilang mga magulang, mag-asawa. Pagdating sa set, mga artista kami.
“Kahit na nag-a-away kami or may problema kami na dala-dala, hindi pwedeng makita sa set. Kailangan gawin niyo ‘yung mga trabaho niyo muna. Pagdating sa bahay, saka niyo pag-usapan,” dagdag ng Kapuso Ultimate Star.
Sey pa ni Jennylyn, gamay na gamay na nila ni Dennis ang isa’t isa at hindi na sila nahihiya na magbigay ng constructive criticism pagdating sa work.
“Hindi na kami nahihiya sabihin sa isa’t isa ‘yung, ‘pwede mo ‘tong gawin’ o kaya ano, ‘parang hindi okay ‘yung ginawa mo. Dapat ganito,’” lahad pa ni Jen.
Para naman kay Dennis, wala namang “sawaan” factor sa kanila ng kanyang wifey dahil nga magkasama na sila araw-araw sa bahay at magkasama pa sila sa trabaho ngayon.
“Siguro kapag mahal n’yo ‘yung isa’t isa, kahit gano na kayo katagal magkasama, kahit magkasama kayo sa trabaho, magkasama kayo sa bahay, kung talagang gusto mo siya makasama, parang ‘pag nandun ‘yung pagmamahal, never ka magsasawa eh,” ani Dennis.
Hirit naman ni Jennylyn, “Para sa ‘kin okay na magkasama kami sa trabaho, kasi ano eh, clingy ako eh.”
View this post on Instagram
Mapapanood na ang “Sanggang-Dikit FR” simula sa June 23 at 8:50 p.m. sa GMA Prime. Ito’y mula sa direksyon ni LA Madridejos.
Kasama rin sa serye sina Roi Vinzon, Jeffrey Santos, Nova Villa, Al Tantay, Allen Dizon, Joross Gamboa, Juancho Triviño, Liezel Lopez, Sam Pinto, Marina Benipayo, Chanty Videla, Zonia Mejia, John Vic De Guzman, Seb Parajillo, Matthew Uy, at James Lucero.
Ka-join din dito ang mga content creators na sina Lumpia Queen Abi Marquez, Abdul and Marsy, Zaito and Shernan, Ayanna Misola, at Alona Navarro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.