Ayaw sa eyeball | Bandera

Ayaw sa eyeball

Joseph Greenfield - November 25, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Louise ng Janiuay, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Nagmula ako sa angkang dukha at hindi ko alam kung isinumpa nga kami dahil kahit may nagsisikap sa amin ay hindi kami umaangat at nakatitikim ng ginhawa sa buhay.  Wala pa akong boyfriend, pero kung magkakaroon man ay pera ang titingnan ko at hindi ang pagkatao, lalo pa’t mahirap din pala siya.  May textmate ako, pero ayaw niyang magpakilala.  Secret admirer lang daw.  Baka matanda ito dahil wala namang secret admirer sa panahon ngayon.  Madalas siyang nagpapadala ng load kaya sinasagot ko naman ang mga text niya.  Sa kanyang mga text, parang nakikita niya ako pero hindi ko siya kilala dahil sinasabi niya kung ano ang suot ko.  Baka siya yung binasted ko.  O baka siya yung hinahangaan ko.  Minsan ay niyaya ko siyang mag-eyeball, pero ayaw muna niya.  Makikilala ko kaya siya at magkikita kami?
Umasa,
Louise ng Janiuay,  Iloilo
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sakaling maging boyfriend mo ang mahiwagang textmate, tiyak ang magaganap – kayo na nga ang magkakatuluyan!
Cartomancy:
Pogi, guwapo at nakapag-aral ang nasabing textmate dahil ang lumitaw ay Jack of Hearts. Habang ang Nine of Hearts naman ang nagsasabing hindi magtatagal, mabubuo ang masaya at matamis na pagsusuyuan, na hahantong upang tulad ng iyong inaasahan, siya na nga ang magiging first boyfriend mo. At sa piling niya ayon sa Queen of Clubs, tunay ngang magiging maligaya ka.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending