Jake Ejercito sa influencer na vinideohan si Ellie: ‘Now processing legal options’

PHOTO: Facebook/Jake Ejercito
“I’M now in the process of exploring legal options,” ito ang saad ni Jake Ejercito sa kanyang Facebook account kamakailan lang dahil sa isang influencer.
Ayon kay Jake ay biglang kinunan ng influencer ang anak na si Ellie Eigenmann Ejercito nang walang paalam.
“This ‘influencer’ filmed Ellie without her consent. She did not want to be in his video—let alone be posted by him,” bungad niya sa ni-reshare na post.
Dagdag pa, “Clout-chasing should never come at the cost of someone’s privacy, especially a minor’s. Please report this reel.”
Baka Bet Mo: Jake Ejercito humugot matapos maaresto si Duterte: Ngayon na ang singilan

PHOTO: Facebook/Jake Ejercito
Deleted na sa FB ang naturang video kaya naman hinanap namin ito sa TikTok na makikitang biglang tinutukan ng camera ang bagets na nagtatakip ng mukha, pero nakatawa at ang mga nasa paligid ay tila tuwang-tuwa na nakita nila ng personal si Ellie.
Ayon sa influencer na si Crist Briand, “So, hello brothers and sisters kauban ako diri (kasama ko dito) ang anak ni Andi Eigenmann, si Ellie. Ellie, say hi to my vlog.”
Kumaway naman si Ellie na nakangiti at ang may hawak ng camera ay tuwang-tuwa at panay ang tawag sa pangalan ng dalagita.
Ang video ay nakakuha ng 44,400 hearts, 385 comments na nagagandahan lahat kay Ellie at 1,523 shares.
Sa pagkakaintindi namin ay na-starstruck ang mga nakakita kay Ellie, kasama na ang influencer na si Crist Briand kaya kaagad niyang pinatutukan ng camera para mag-hi and hello.
Ang pagkakamali nga lang ni Crist ay hindi siya humingi ng permiso sa anak nina Jake at Andi.
At bilang ama na labis na iniingatan ang anak, lalo menor de edad ay naintindihan namin ang bugso ng damdamin dahil na-invade ang privacy ni Ellie.
Ang nasabing video ay ipinasa kay Jake kaya siguro tumaas ang presyon nito at nag-post nga siya ng, “I’m now in the process of exploring legal options.”
Kaya siguro dali-daling binura ni Crist Briand ang video sa kanyang facebook account.
Ni-repost ni Jake ang larawan ng anak at ng influencer.
“Crist Briand has deleted the video. Thank you to those who reported the video. Please continue reporting the page of this irresponsible clout chaser who ambushed a 13-year-old girl for views. I’m now in the process of exploring legal options,” ani pa ng celebrity dad sa ni-repost niya.
Viral na rin ang post na ito ni Jake na umabot na ng 14,000 reacts, mahigit 4,000 shares, at 3,000 comments, as of this writing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.