T.G.I.S. barkada durog ang puso sa pagpanaw ni Red Sternberg

Rica, Angelu, Michael, Onemig durog ang puso sa pagpanaw ni Red Sternberg

Ervin Santiago - May 31, 2025 - 09:46 AM

Rica, Angelu, Michael, Onemig durog ang puso sa pagpanaw ni Red Sternberg

Red Sternberg at ang iba pang cast members ng ‘T.G.I.S.’

DUROG ang puso ngayon ng mga kaibigan ng dating aktor na si Red Sternberg matapos mabalitaan ang biglaang pagkamatay nito.

Nagluluksa ang mga kasamahan ni Red sa dating youth-oriented show ng GMA 7 na “T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado)”, kabilang na ang dating ka-loveteam nitong si Rica Peralejo.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “T.G.I.S.” ay ang hit series ng VIVA Television na napanood sa GMA mula 1995 hanggang 1999. Gumanap si Red sa serye bilang si Kiko.

Shocked ang mga kapamilya at kaibigan ni Red nang malamang pumanaw na ito noong Martes, May 27, sa edad na 50. Ipagdiriwang sana niya ang 51st birthday kahapon, May 30.

Ang mismong asawa ni Red na si Sandy Sternberg ang nagbahagi sa Facebook ng malungkot na balita. Wala naman siyang nabanggit kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Rica ang Facepost post ni Mark Reyes, ang direktor ng “T.G.I.S” tungkol sa pagkamatay ni Red.


Aniya sa caption, “Super sad (crying emoji). Ofc Red is Michelle’s Kiko and we will always be good friends! Our entire barkada is devastated.” Mitch ang name ni Rica sa “T.G.I.S.”

Nag-post naman sa FB ang isa pang kasamahan ni Red sa naturang programa na si Angelu de Leon, ng itim na art card na may nakasulat na “KIKO” kasunod ang tatlong broken heart emoji. Si Angelu ang gumanap na Peachy sa “T.GI.S.”.

Sa kanya namang Instagram Story, nagbahagi si Michael Flores, na gumanap na Mickey sa “T.G.I.S.” ng art card na may nakasulat ding “KIKO”.

“RIP Kiko” naman ang mababasa sa mensaheng ipinost ni Onemig Bondoc, na gumanap namang JM sa “T.G.I.S.”

Nag-post naman ang isa pang cast member ng iconic Kapuso series na si Ciara Sotto ng broken heart emojis sa kanyang IG kalakip ang obituary card ni Red. Gumanap namang Rain ang aktres at singer sa “T.G.I.S.”

Samantala, nito lamang nagdaang May 21, nag-comment pa ang isa pang kasamahan ng grupo na si Bernadette Allyson sa post ni Red sa Instagram. Gumanap naman si Bernadette bilang Bea sa programa.

Aniya, “Ito ang huling pagkikita namin ni mickey at wacks bago ako umalis ng bansa. Kailan kaya kami magkikita ulit?” Ang tinutukoy niyang “Wacks” ay si Bobby Andrews.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ni Bernadette sa caption, “This post made me smile but now it’s making me cry (crying emoji).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending