Mika Salamanca suportado ni H2WO, sey ng netizens: May minumulto!
KILIG is in the air sa social media matapos ang pagpapakita ng suporta ng ML player na si H2WO o si John Paul Salonga sa kanyang ex-girlfriend na si Mika Salamanca.
Aliw na aliw ang mga netizens dahil nag-share ang pro player sa kanyang Facebook page para iboto at iligtas sa eviction ang kanyang dating kasintahan.
“Vote to save MIKA with Maya para mag-stay pa sa Bahay ni Kuya! ” saad sa caption ng PBB na ni-reshare ni H2WO.
Hindi naman nakaligtas sa mga matanglawing netizens ang naturang post kaya bumuhos ang comments sa naturang post.
Baka Bet Mo: Mika Salamanca dinepensahan ni Benedict Cua: Lagi siyang nami-misunderstood
View this post on Instagram
“SHEEEEEEESHHHHHHHHH!!! GRABE KANA WATER BOTTLE!!” comment ng kapwa player na si Renejay Barcarse.
Saad naman ng isa, “Di pa ba sapat pagpapahirap sakin?”
“H2!! MINUMULTO [crying emoji] biggest heartbreak ko ba naman ang MIWO huhu,” sey pa ng isa.
Maging ang iba pang kilala sa gaming community gaya nina AkoSiDogie at Ghostwrecker ay to the rescue rin kay Mika sabay trashtalk kay H2WO.
“Akim ikaw nang bahala !! pakita mo sa kanila na ma uunahan mong mag champion si h2,” post ni Dogie.
Sey naman ni Ghostwrecker, “Support MIKA guys, baka sakaling manalo siya pero ang mag kabalilan sila ni h2wo, malabo na. Parang may mali sa caption ko king ina.”
Samantala, nag-reply naman sa post ni H2WO ang ina ng Sparkle artist.
“Thank you JP,” sabi ng ina ni Mika.
Reply naman ni H2WO, “You’re welcome po tita, support lang.”
Si Mika ay isa sa mga official housemates sa latest edition ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”.
Matatandaang naghiwalay ang dalawa noong 2024 dahil sa umano’y “lack of growth”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.