‘Sadako Girl’ na lumabas sa drainage natukoy, nakausap ng DSWD

‘Sadako Girl’ na lumabas sa drainage natukoy, nakausap na ng DSWD

Therese Arceo - May 29, 2025 - 05:27 PM

‘Sadako Girl’ na lumabas sa drainage natukoy, nakausap na ng DSWD

NATAGPUAN na ng mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nag-viral na babaeng tinaguriang “Sadako” na lumabas sa isang drainage sa kalsada ng Makati City.

Ngayong Huwebes, May 29, nagbigay ng update ang ahensya sa pamamagitan ng isang post sa kanilang official Facebook page.

Ayon sa DSWD ay sasailalom sa assessment at intervention ang babaeng tinawag na “Sadako”.

“Matapos mahanap at makapanayam ng Pag-abot Team ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakarating na sa Pag-abot Processing Center sa Pasay City ngayong Huwebes (Mayo 29) ang babaeng nag-viral online matapos lumitaw mula sa isang sewage sa Salcedo Village, Barangay Bel-Air, Makati City,” saad sa post ng ahensya.

Baka Bet Mo: Babae biglang lumabas sa drainage sa Makati, nagtatakbo: Sadako Girl!?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sa processing center, sasailalim siya sa masusing assessment at kaukulang interbensyon ng DSWD, batay sa kanyang sitwasyon at pangangailangan,” pagpapatuloy nito.

Ang kanilang mga ginagawant hakbang ay base umano sa direktibang natanggap mula sa pangulo.

“Ito ay base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DSWD na maghatid ng komprehensibong interbensyon sa babae para hindi na siya muling bumalik sa lansangan,” ayon pa sa pahayag.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang larawan na kuha ni RoughMasterpiecei (Reddit) sa isang babae na bigla na lamang lumabas mula sa drainage sa kalsada na ikinagulat ng mga motorista.

Agad ngang umingay ang isyu at marami ang na-curious kung ano ang ginagawa ng babae sa loob ng drainage.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang tinukoy sa report kung ano ang ginagawa ng naturang babae sa drainage. Hindi pa rin alam ng mga nag-imbestigang otoridad kung paano at kailan nakapasok sa kanal ang babae.

Sabi pa sa ulat, inalam agad ng mga rumespondeng security staff sa lugar kung ano ang posibleng hinanap o tiniktikan ng babae sa loob ng drainage.

Wala naman daw nakitang anumang mahalagang bagay o importanteng gamit na nakita sa imburnal na maaaring balikan pa ng babae.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending