Freddie Aguilar legacy: Mga kantang sumikat at nag-hit

Freddie Aguilar legacy: Mga kantang sumikat at nag-hit

Therese Arceo - May 28, 2025 - 05:09 PM

Freddie Aguilar legacy: Mga kantang sumikat at nag-hit

ISANG malaking legacy ang iniwan ng betetanong singer-songwriter ni Ka Freddie Aguilar sa music industry sa pamamagitan ng kanyang mga hit at classic songs na naka-relate ang maraming Pilipino.

Hindi tulad ng kanyang pagkamatay, ang mga musikang ibinahagi at iniwan sa atin ng isa sa mga OPM legends ay patuloy na mabubuhay hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

Tara at ating balikan ang mga kanta ni Ka Freddie na pumukaw at tumatak sa puso ng mga Pilipino.

Anak

Isinulat mismo ni Ka Freddie ang kantang “Anak” at nakasama sa finals ng kauna-unahanh Metropop Song Festival noong 1978.

Sa kabila ng hindi pagkakapanalo ng kahit na anong award ay naging monumental hit naman ito sa buong mundo at nakapagbenta ng 33 million copies worldwide. Bukod pa rito, na-translate ito sa 51 languages. Na-feature rin ito sa South Korean action film na “Gangnam Blues” at Hong Kong film na “Fatal Vacation”.

Ang kantang “Anak” ni Ka Freddie ay sumasalamin sa unconditional love ng isang magulang sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa ng mga anak.

Magdalena

Inilabas noong 1983, ang kantang “Magdalena” ay patungkol sa isang batang babae na napilitang maging sex worker upang masuportahan ang kanyang pamilya.

Sa kantang ito ay naging matagumpay si Ka Freddie na iparating ang bigat na pinagdaraanan ng maraming Pilipino sa laylayan na kumakapit sa patalim para lamang mabuhay sa kabila ng hirap buhay.

Baka Bet Mo: Freddie Aguilar namatay sa multiple organ failure; Jim, Bayang, Cooky nagluluksa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ipaglalaban Ko

Inilabas noong 2007, isa ang “Ipaglalaban Ko” sa mga nakilalang kanta ni Ka Freddie.

Ang kantang ito ay pumapatungkol sa mga kayang gawin ng isang taong nagmamahal para sa kanyang minamahal sa kabila ng mga pinagdaanan at pagdaraanan nito at ang pangakong mananatili kahit ano man ang pagsubok na dumating.

Bulag, Pipi, at Bingi

Inilabas noong 1979 at bahagi ng kanyang Kinabukasan album, ang “Bulag, Pipi, at Bingi” ay isang classic hit song na sumasalalom sa buhay mg mga Pinoy noong mga panahong isinulat at ini-release ito.

Isa itong paghahambing para sa mga kababayang hindi nabibigyang pansin, hindi pinapakinggan, at madalas hindi makapagsalita ng nararamdaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bayan Ko

Agad na sumikat noong 1980s, ang kantang “Bayan Ko” ay isa sa mga naging anthem noong kasagsagan ng 1986 People Power Revolution.

Bagamat hindi ito original song ni Ka Freddie, ang kanyang bersyon ang sumikat at nakilala. Ito ay orihinal na sinulat ni Constancio de Guzman noong 1929.

Ang pagiging makabayan at pagmamahal sa bansa ni Ka Freddie na sumasalamin sa kanyang mga naisulat na awitin ay patuloy na mabubuhay sa bawat Pilipino.


Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending