Barbie, Kyline bardagulan sa ‘Beauty Empire’; Ruru lagot kay Jean

Kyline Alcantara, Barbie Forteza, Ruru Madrid at Jean Garcia
MATINDING puksaan at super intense na bardagulan ang inaabangan ng netizens sa pinakabagong serye ng GMA, CreaZion at Viu – ang “Beauty Empire.”
Pasabog na teaser ang inilabas kamakalawa, May 26, kung saan makikita ang bonggang tarayan, sabunutan, at basaan nina Barbie Forteza (Noreen Alfonso) at Kyline Alcantara (Shari De Jesus).
Siyempre, agaw eksena rin ang pag-awat at pagsigaw ni Ruffa Guttierez na gumaganap naman bilang Velma Imperial ng, “Oh my gosh! Stop it!” habang nanlalaban ang kagandahan.
View this post on Instagram
Laban na laban talaga ang pagiging #girlboss nina Barbie at Kyline sa teaser pa lang, kaya marami ang lalong humanga sa dalawang GMA stars at na-excite sa serye.
Sey nga ng isang netizen, “Hala nagtapat ang 2 sa pinakamagaling umarte sa GMA. Walang tapon sa eksena ng mga to!”
Simula na ng pinakamagandang laban very, very soon sa GMA 7 – ang umaatikabong bardagulan ng kagandahan, sa “Beauty Empire.”
* * *
Hindi man tinatantanan ng dagok sa buhay ay staying strong pa rin si Lolong (Ruru Madrid) para maisalba ang kanyang sarili at mga mahal sa buhay.
Ngunit sa pina-intense na mga kaganapan sa Kapuso primetime series, nananaig ang takot sa viewers na gabi-gabi tumututok sa “Lolong: Pangil ng Maynila.”
Ngayong magbabalik na si Dona Banson (Jean Garcia) para pahirapan ang bida, lalo na namang lalapit ang panganib sa pamilya ni Lolong.
“Lagot buhay si Dona ” sey ng isang netizen.
Pero dahil palaban ang lahat, tiyak ay may matinding puksaan na namang magaganap sa pagitan nina Lolong at ng kanyang mga kaaway.
Diin nga ni Karina (Rochelle Pangilanan) sa isang eksena, lahat ay gagawin ng mga kaaway para mapatay si Lolong.
“Ang exciting pero naku ingat ka Lolong!” komento ng isa pang viewer.
Huwag pahuhuli sa mga kaabang-abang na eksena sa “Lolong: Pangil ng Maynila”, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.