Bato dela Rosa spotted sa Europe, pupuntahan si Duterte?

Bato dela Rosa spotted sa Europe, pupuntahan si Duterte sa The Hague?

Therese Arceo - May 24, 2025 - 03:03 PM

Bato dela Rosa spotted sa Europe, pupuntahan si Duterte sa The Hague?

NAMATAAN si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa Europe ilang araw matapos maproklama bilang senador.

Ngayong Sabado, May 24, ibinandera niya sa kanyang Facebook page ang larawan na kuha sa naturang lugar.

“Malamig pa rin pala ngayon sa Europe,” saad ni Sen. Bato.

Noong nagdaang proklamasyon ng mga nanalong senador na ginanap noong May 17, nabanggit niyang nais niyang magbakasyon kasama ang pamilya.

Baka Bet Mo: Bato dela Rosa: Bakit parang atat na atat kayo na ikulong ako?!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bukod pa rito, nasabi rin ng senador ang balak na pagbisita sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Mag-try ako mag-apply ng Schengen visa. At kung bibigyan ako, tanungin ko sa ES Medialdea kung okay ba kung pumunta ako doon [ICC],” lahad ni Sen. Bato.

Matatandaang kasalukuyang naka-detain ang dating pangulo sa The Hague matapos arestuhin ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity noong March 2025.

Isa rin si Sen. Bato sa mga pangalang nakatakda umanong arestuhin ng ICC dahil sa kaugnayan nito sa war on drugs ng dating pangulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya nga kasabay ng kanyang paghahayag ng planong pagbisita kay Duterte sa The Hague ay ang tanong tungkol sa nakaamba umanong pag-aresto sa kanya.

“Bakit ba…gustong-gusto n’yo ko agad ikulong doon? Atat na atat kayo na ikulong ako doon ah?” sey ni Sen. Bato.

Sa ngayon ay burado na sa kanyang Facebook page ang naturang larawan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending