Ruffa, pamilya binulabog ng karelasyon umano ni Yilmaz?

Ruffa Gutierrez, pamilya binulabog ng karelasyon umano ni Yilmaz?

Pauline del Rosario - May 23, 2025 - 11:30 AM

Ruffa Gutierrez, pamilya binulabog ng karelasyon umano ni Yilmaz?

Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas

NAGMISTULANG parang teleserye ang rebelasyon ni Ruffa Gutierrez kaugnay sa isang babaeng hindi kilala, pero patuloy umano silang ginugulo.

Ayon sa entertainment columnist na si Jun Lalin, nakachikahan niya mismo ang batikang aktres at nabanggit nga sa kanya na may isang babae na paulit-ulit siyang mine-message.

Ang rason ay para pigilan siyang makipagkita o tanggapin ang imbitasyon ng dating asawa na si Yilmaz Bektas na mamasyal sa Europe.

Ibinunyag rin ni Jun na hindi lang si Ruffa ang kinokontak ng nasabing babae, maging ang anak raw nito na si Lorin at ang ina na si Annabelle Rama.

Baka Bet Mo: Ruffa payag pa ring magpakasal uli; pinayuhan 2 anak tungkol sa boys

Ang kwento pa, kung ano-ano raw ang sinasabi laban kay Yilmaz, lalo na pagdating sa ugali nito.

Gayunman, nananatiling tahimik si Ruffa na kung saan ay hindi raw siya nagre-reply sa babae  at ni minsan ay hindi niya tinanong si Yilmaz kung sino ito.

Magugunita noong Marso, ni-reveal ng dating beauty queen sa isang interview na nagkakausap sila ng dating asawa.

Naikuwento pa nga niya na iniimbitahan siya ni Yilmaz na bumiyahe kasama ito sa isang tren upang libutin ang buong Europe.

“Sabi ko, ‘is this a joke?’ [sabi niya], ‘No, I want to invite you to be in a train with me’…So sabi ko, totoo ba ‘to or baka he’s planning my murder on a [train],” natatawang chika noon ni Ruffa.

“Tapos sabi niya, ‘Okay I’ll visit you nalang there.’ So sabi ko, ‘You’re welcome to visit the Philippines’,” pagbabahagi niya.

Bukod diyan, nabanggit din ni Ruffa na balak bumisita ni Yilmaz dito sa Pilipinas ngayong taon.

Pero may nilinaw agad si Ruffa: “I don’t say he’s courting me again. At least we’ve come to that decision and that time with our lives that we can joke and be happy with one another.”

March 2003 nang magpakasal sina Yilmaz at Ruffa ngunit naghiwalay rin matapos ang apat na taon.

Taong 2012 naman nang tuluyang ma-annul ang kanilang kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

February 2021 nang muling magdesisyon sina Ruffa at Yilmaz na mag-reconnect para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak na sina Venice at Lorin Bektas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending