Jomari payag magpa-sexy si Andre Yllana: Nasa tamang age na siya

Jomari Yllana at Andre Yllana
HINDI makikialam ang aktor at public servant na si Jomari Yllana sa magiging diskarte ng kanyang anak na si Andre Yllana pagdating sa showbiz career nito.
In fairness, binatang-binata na ngayon ang anak nina Jomari at Aiko Melendez at habang tumatagal ay mas lalo pa itong gumugwapo at nagiging yummy.
In fact, hindi lang mga girls ang nagkakagusto kay Andre dahil sa kanyang nagmumurang karisma, marami ring beki ang nagpapantasya sa kanya.
Ganyan din ang naranasan ni Jomari noong kanyang kabataan at kasagsagan ng kasikatan ng grupo nilang Gwapings kasama sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.
Palaban at walang takot noon si Jom sa pagsabak sa sexy pictorial na naka-swimming trunks o underwear.
View this post on Instagram
Kaya naman sa isang panayam ay natanong si Jomari kung papayagan ba niya si Andre na magpa-sexy din sa pictorial at pelikula.
Tugon ni Jomari, “He doesn’t have to ask permission from me, e, kasi Andrei is an artist. Ano yan e, hilig niya yan, e.
“He knows what he’s doing, pinag-aralan niya yan. He knows the craft, the work, and it’s all actually up to him. He’s nasa tamang age na.
“Sa generation namin, I’ve done films na sensual. It doesn’t matter, pero ang ending niyan is ano yung lesson na gusto mong i-relay portraying that role,” paliwanag ni Jom.
Dagdag pa niya, “Sa akin, it’s all yung fulfillment of the actor, anong pakiramdam niya, yung tinatawag na instinct. Instinct yan, e, di ba?
“So sa akin, he doesn’t need to ask permission from me, he’s an adult. He is good at what he’s doing. Anything goes, and he will actually learn a lot along the way,” chika pa ng aktor.
Ang tanong, payag din kaya ang nanay ni Andre na si Aiko Melendez sakaling may offer nga sa kanyang anak na magpaseksi at magpaka-daring sa acting projects o photoshoot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.