Ilang beses niloko ng ka-live in pero pinatawad pa rin: T*nga nga!

Ilang beses niloko ng ka-live in pero pinatawad pa rin: Kasi t*nga nga!

Ervin Santiago - May 22, 2025 - 12:55 AM

Ate Girl ilang beses niloko ng ka-live in pero pinatawad pa rin: Kasi t*nga nga!

Stock photo

MGA ka-BANDERA, kapag niloko kayo ng inyong mga dyowa – not once, not twice, not thrice – but many times — patuloy n’yo pa rin bang patatawarin at magpapakamartir?

Iyan ang napakalalim na hugot ng isang babaeng netizen sa live-in partner niya ngayon na wala raw kabalak-balak na pakasalan siya.

Ibinahagi ni Ate Girl, na isang dating pharmacist, sa Facebook page na “Peso Sense” ang pinagdaraanan niya ngayon sa kanyang personal na buhay at sa relasyon nila ng dyowa niyang parang walang kakuwenta-kuwenta.

“The stories I’m reading on social media are really depressing. The Jollibee story at yung depression ng isang ina na pin@tay ang tatlo niyang anak at nag su!cide rin. May mga lalake talaga ngayun na kulang sa pagmamahal o baka yun na talaga pagkatao nila.

“Akala ko ako lang nakaramdam neto akala ko oa at maarte lang ako valid at totoo pala na nakaka drain mentaly emotionally pati physically mawawalan ka talaga ng gana,” ang panimulang pagbabahagi ng netizen.

Walong taon na sila ng ka-live in niya at may dalawa na silang anak, 6 years old na boy at 1 year old girl at feeling niya wala talagang balak na pakasalan siya.

“Umaaasa ako dati baka wala lang talaga kase budget pa but in 8 years we never discussed marriage.

“It’s heartbreaking minsan ningingitian ko nalang sabi nga nila it’s okay not to be okay ayoko naman lamunin ako ng kalumgkutan ko pero minsan di talaga maiwasan.

“He cheated on me not once twice thrice? Dami pa. Yung last niya pinatawad ko ulit siya kase t@nga ako eh kaya ayun dahil sa chance ay nag buntis ako ulit at iniwan ang trabaho ko upang alagaan anak namin.

“Another issue is he never trusted me with his finances not that I wanted to him to give me his money but I wanted to feel valued.

“Kaya wala akong idea ano nagyayre sa pera niya basta lang mag iwan nga Araw2 ng 100 minsan 200 dahil sinabi ko sa kanya na nakkapagtampo yung peramg iniiwan niya para samin tatlo kahit nag gagatas pa ang 1 year old ko.

“He never took our kids out lage lang kami nasa bahay. Minsan ako ang nag aaya pero sasabihin lang niya kesyo pangit doon kesyo magastos kesyo na iinggit na naman daw ako kung ano nakikita ko. Katulad ngayon ang bunso at panganay ko may sakit hindi man lang bumili ng gamot,” litanya pa niya.

Napakahirap daw talaga kapag walang sariling pera ang babae, “I felt like Im in prison di ako makagalaw hindi ako maka decide ang hirap pag walang sariling pera. Di ko magawa mag sabi sa mga brothers and sis ko lalo na kay mama at papa ayoko mag alala sila at matatanda na. Di nga siya nag cheat this time pero iba naman pinapakita niya.

“Malaki pa utang sa credit card at gloan and I have no idea san yun lahat nagpunta at di ko narin tinanong. Ako na nalang nag validate sa sarili ko na sino ba ako para magtanong sa pera niya.

“May isang beses nag iwan sya isang libo tinanong niya nasaan daw tinuturo pa nya ako na para bang nagtatangka syempre pinang bili ko ng pagkain sarap/maayos nga ng almusal namin nun pero after non d ko na inulit pa magluto hinihintay ko nalang ano dadalhin nya sa pag uwi.

“Sobrang nakakalungkot sarap na umuwi i want to leave but there are things I need to consider.

“Sana hindi ako mawalan ng pag iisip,” ang buong mensahe ni Ate Girl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oh, guys, ano’ng masasabi n’yo sa problema ng letter sender? Dapat pa ba niyang ituloy ang relasyon o oras na para kumalas na sa toxic relationship.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending