NAGDEKLARA na ng State of Emergency sa lalawigan ng Samar dahil sa pagpapagawa ng San Juanico Bridge, nitong Martes, May 20.
Nagdesisyon ang Sangguniang Panlalawigan na aprubahan ang pagdedeklara sa nagdaang 150th regular session sa Catbalogan, City.
Ito ay may kaugnayan sa patuloy na pagkakaroon ng aberya sa daloy ng pagbibigay suplay na nanggagaling sa Tacloban, Leyte papuntang Samar at kalapit lugar.
Matatandaang nilimitahan ng Department of Public Works and Highways ang limitadong paggamit sa San Juanico Bridge ng mga sasakyang may bigat na tatlong tonelada bilang bahagi ng dalawang taong rehabilitasyon ng 53-year-old bridge.
Baka Bet Mo: TOL pinuri ang katatagan ng mga taga-Leyte at Samar sa pagbangon mula kay Yolanda
View this post on Instagram
Dahil nga sa paglilimita ng bigat ng mga sasakyang maaaring dumaan sa tulay na nagdurugtong sa Leyte at Samar, labis itong nakaapekto sa pag-angkat ng gasolina, medical supplies, at iba pang essential goods ayon kay Vice Governor Arnold Tan.
“The declaration (of state of emergency) will help us control the prices of basic commodities such as food and fuel. Our gasoline stations are running out of supplies, but it’s good that some got stocks from Bicol Region,” saad pa niya.
Matatandaang ang oil depot mula sa Babatngon, Leyte ang main source ng fuel sa karamihan ng lugar sa Samar Island.
Ayon pa sa gobernador, makatutulong ang local funds na makukuha sa pag-subsidize ng presyo ng pag-transport ng gasolina mula Leyte gamit ang isang port sa Amandayehan village in Basey, Samar na kasalukuyan ring sumasailaim sa pagpapaayos.
Para sa mga hindi aware, ang San Juanico Bridge na kilala bilang “Bridge of Love” ang tulay na nag-uugnay sa Samar at Leyte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.