Nanay, 3 anak patay nang masunog sa loob ng bahay, sinadya?

Nanay, 3 anak patay matapos masunog sa loob ng bahay; sinadya o aksidente?

Ervin Santiago - May 21, 2025 - 09:13 AM
Nanay, 3 anak patay matapos masunog sa loob ng bahay; sinadya o aksidente?

Trigger Warning: Mention of depression

SHOCKED ang publiko sa pagkamatay ng isang ina at tatlo niyang anak matapos masunog sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP), natagpuan ng mga rumespondeng kapitbahay ang sunog na katawan ng 1-anyos na batang lalaki sa kanyang higaan.

Ang dalawa naman niyang kapatid na  edad 3 at 6 ay nakita sa kanilang banyo  na umiiyak at nagtamo rin ng sunog sa kanilang katawan.

Sa pahayag ni SFO3 Alfredo Hernandez, chief Fire investigator ng Sta. Maria BFP, sa isang panayam, dead on the spot ang bunso habang isinugod pa sa ospital ang ina at ang dalawa pa niyang mga anak ngunit namatay din kalaunan.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang anggulo na ang nanay mismo ang umano’y sumunog sa kanyang sarili at sa tatlong anak nang dahil daw sa matinding depresyon.

Ito’y matapos ngang makarekober ang otoridad ng posporo at basyo ng paint thinner sa loob ng bahay ng mga biktima na posibleng ginamit sa pagsunog.

Sa salaysay ng isang kapitbahay na rumesponde sa insidente, nasabi pa raw sa kanya ng panganay na anak na binuhusan sila ng kanilang nanay ng gaas.

Sabi pa sa ulat, bago maganap ang insidente ay nagpa-blotter pa sa barangay ang nasawing nanay para idulog ang problema nila ng kanyang asawa. Inireklamo umano nito ang pakikialam daw sa kanila ng biyenan.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang mister at tatay ng mga biktima hinggil sa nangyari na wala noong mangyari ang trahedya.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga netizen sa kalunus-lunos na sinapit ng mag-iina. Narito ang ilan sa nabasa naming comments sa social media.

“Need talaga ng mga nanay ng matibay at solid sa support pag ganito eh. I’m so sorry she did not get the support she needed. Sana ako ung nachat nya para kahit paano napadalhan ko sya (hindi kami magkakilala pero i think magkapitbahay kami sa bahay sa bulacan same brgy kasi sabi sa news) baka sakali kahit paano naramdaman nya na may nakakaintindi.”

“Sa mga Nanay na mga may pinag dadaanan , hwag po tayo panghinaan ng loob. Isipin po natin lagi ang mga anak natin na sa atin umaasa at patuloy na magtiwala sa ating Poong Maykapal.”

“Ang bigat sa dibdib. I know how it feels to be in that situation, been there I’m just thankful to God we’ve made it through the worst and hardest part. Sana ate kumapit ka pa din para sa mga anak mo. Can’t blame you tho. Fly high angels.. Mama must have chosen the easiest way for her.”

“People won’t really understand her—lalo na ‘yung mga taong hindi pa naranasan ang sitwasyon niya. I’m also a mom na nagsu-suffer sa mental health ko. Don’t be harsh to all the moms out there. Don’t be the reason that some children will lose their mother. Sa mga asawa din dyan wag nyong bigyan ng rason ang mga asawa nyo para sukuan ang buhay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tatlong inosenteng anghel ang nawala sa mundo—sinunog ng sariling ina, at pagkatapos ay ang sarili niya. Isang trahedyang mahirap arukin. Pero sa likod ng lahat ng ito, isang napakatinding sakit ang dahilan: depresyon… Depresyon ay totoo. Hindi ito dapat binabalewala. At minsan, ang panloloko, kapabayaan, at kakulangan sa pagmamahal ang nagtutulak sa isang taong sumuko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending