Ivana Alawi sinundan ng multo pauwi, nagpa-bless uli ng bahay
MAGING ang Kapamilya actress-vlogger na si Ivana Alawi ay hindi nakatakas at nakaranas rin ng kwentong kababalaghan.
Sa kanyang latest vlog kung saan nag-food trip sila sa Tondo ng Kapuso star na si Kyline Alcantara, ay nagkachikahan ang dalawa patungkol sa kani-kanilang buhay.
Habang proud na ibinabandera nina Ivana at Kyline ang masasarap na pagkain na matatagpuan sa Tondo, may mga tanong silang ibinabato sa isa’t isa.
Nausisa nga ni Kyline ang bagong kaibigan kung ano pa ang mga gusto niyang project na gawin.
Baka Bet Mo: Ivana Alawi sa paparating na eleksyon: Huwag tayong boboto dahil sikat
View this post on Instagram
Sagot ni Ivana, “Ako gusto ko [ng] horror stories, haunted houses, ang hilig ko talaga sa ganu’n. Gusto kong maging mumu ha. Ayaw ko ng tinatakot ako.”
Dito nga ay nabanggit ni Kyline na may mga kwentong kababalaghan na nae-experience ang mga artista at crew sa tuwing nagi-film ng horror movies kung saan may nagpapakita raw talaga.
Naalala nga ni Ivana nang minsan siyang nagkaroon ng out of town trip ay tila may sumama sa kanyang umuwi sa kanilang tahanan.
“Parang may time no’n na pag nag-a-out of town ako may sumusunod. Bumubukas ‘yung ilaw ko sa bahay promise. Nagpa-bless ulit ako ng whole house,” kwento ng dalaga.
Dagdag pa ni Ivana, “Habang nasa province kami, biglang bumukas ‘yung room tapos walang tao… 3AM, bumukas ‘yung room ko tapos tulog ako. Akala ko si Mona pina-prank ako so ready akong magwala.”
Maging si Kyline ay may mga ganitong experiences kung saan nakakaranas rin siya ng pagpaparamdam.
Chika pa niya, kinakausap niya ang mga ito na ikinagulat ni Ivana dahil bawal raw kausapin ang mga ito.
“Alam mo kapag ganoon, kinakausap ko… Halimbawa nasa hotel kami, may nararamdaman akong heavy energy, ang ginagawa ko, sinasabi ko na nandito ako pansamantala lang.”
Biro naman ni Ivana, next time raw ay gagawin niya ang suggestion ni Kyline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.