Joe Biden lumalaban sa sakit na prostate cancer

Joe Biden | Mark Makela/Getty Images/AFP
NA-DIAGNOSE ang dating pangulo ng United States of America na si Joe Biden ng prostate cancer.
Base sa official statement na inilabas ng kanyang opisina, ibinahagi nito ang pagkakaroon ng dating pangulo ng aggressive form” ng prostate cancer na kumalat na hanggang sa kanyang mga buto.
Napag-alaman ang sakit ni Biden matapos itong kumonsulta sa doktor dahil sa nararanasang urinary symptoms at nakitaan ng mga espesyalista ng prostate nodules.
“While this represents a more aggressive form of the disease, the cancer appears to be hormone-sensitive which allows for effective management. The President and his family are reviewing treatment options with his physicians,” nakasaad sa inilabas a pahayag ng dating pangulo.
Baka Bet Mo: Joe Biden at Kamala Harris itinanghal na ‘Person of the Year’ ng TIME magazine
View this post on Instagram
Batay sa Gleason score na parte rin ng inilabas na pahayag, nasa 9 ang score ng nabanggit na cancer ni Biden.
Nalungkot naman ang kasalukuyang pangulo ng USA na si Donald Trump matapos marinig ang balita.
“We extend our warmest and best wishes to Jill and the family, and we wish Joe [Biden] a fast and successful recovery,” saad ni Trump.
Ayon naman sa medical director ng Northwestern Health Network cancer program, may available treatmebt para ma-control ang cancer ng dating presidente ngunit walang siguradong lunas.
“When the cancer has spread to the bones, that makes it Stage 4. That means that the cancer is not curable. There’s no treatment available that can cure the cancer,” saad ni Dr. Chris George.
Dagdag pa niya, “So with prostate cancer that’s metastasized to the bone, you could control it for years. Two or three years is very realistic, and some lucky patients get control for four, five, six and even longer.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.