Jean Garcia nakipagbakbakan sa mga gamugamo: Lumayo kayo, please!

Jean Garcia
LUKANG-LUKA ang award-winning actress na si Jean Garcia habang nasa taping ng Kapuso Prime action-drama series na “Lolong: Pangil ng Maynila.”
E, kasi naman, tila pinagtripan at hinaras-haras siya ng mga nagliliparang gamugamo sa location ng kanilang teleserye.
Kuwento ni Jean, habang naghihintay siya sa mga susunod niyang mga eksena sa “Lolong” ay bigla na lamang nagdatingan ang mga gamugamo at nagliparan sa kinaroroonan niya.
Isang video ang ipinost ng premyadong aktres sa Instagram kung saan makikita nga ang “pakikipagbakbakan” niya sa mga naturang insekto.
Nagtatakip ng tenga ang aktres at may hawak ding throw pillow na siya niyang ginagamit para bugawin ang mga gamugamu na lumalapit sa kanya.
“Ang GAMOGAMO…bow!
“Ayoko sa inyo, lumayooo kayooo sa akin, pleaaasseee!!!” ang caption ni Jean sa kanyang Instagram post.
View this post on Instagram
Sey pa ng aktres, hindi siya makasigaw habang inaatake ng mga insekto dahil ongoing daw ang kanilang taping.
“Ang kukulit ng mga gamogamong ‘to, di ko sila masigawan bilang ongoing at mabigat ang eksena ni Lolong at Elsie.
“Haaayy, napagod akooo! Di ako makatiliii, di ba Erika?!!! Takip takip ko pa tenga ko kase nga sabi ni Erika sa tenga daw pumapasok mga gamogamo, totoo po ba yon?” aniya pa.
Samantala, sa itinatakbo ng kuwento ng “Lolong: Pangil ng Maynila” ay mukhang malapit na ngang mabuo ang pamilya ni Lolong (Ruru).
Una, natagpuan na niya si Elsie (Shaira Diaz) na inakala niyang patay na at nakilala na rin niya ang anak na si Mimay (Sienna Stevens). Pero may kulang pa nga kaya tuloy ang adventure ni Lolong.
Napapanood ang “Lolong: Pangil ng Maynila”, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.