Winwyn nagbago ang isip, game uling sumabak sa pageant?

Winwyn Marquez nabago ang desisyon, game pa ring sumabak sa pageant?

Ervin Santiago - May 20, 2025 - 12:40 AM

Winwyn Marquez nabago ang desisyon, game pa ring sumabak sa pageant?

Winwyn Marquez

REFRESHING mapanood ang beauty queen-actress na si Winwyn Marquez sa morning show ng GMA 7 na “Unang Hirit.”

Tinawag siyang pinakabagong “host-mate” ng programa na fresh na fresh pa rin ang awrahan after ng pagsabak niya sa Miss Universe Philippines 2025 pageant ilang linggo na ngayon ang nakararaan.

Sa panayam ng mga original co-host ng programa kay Winwyn, kinumpirma nitong ibang-iba na ang sistema at feels ng pageant scene mula nang lumaban siya noong 2017 at manalo bilang Reina Hispanoamericana.

Isa raw sa mga pinakamalaking pagbabago sa mundo ng pageantry ay ang matinding impact ng social media sa bawat kandidata.

“Medyo struggle, pero kinaya naman,” ang pahayag ni Winwyn sa naging journey niya bilang representative ng Muntinlupa sa Miss Universe Philippines 2025 at itinanghal na 1st Runner-up.

Kasunod nito, tila nagbago rin ang naging pahayag ng aktres tungkol sa pagsali muli sa beauty pageant. Nabanggit kasi niya na baka last pageant na niya ang Miss Universe Philippines 2025.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Winwyn Marquez (@teresitassen)


“Kaya ko siya nabanggit kasi sobrang overwhelming. Lahat natapos na, gusto ko na umuwi, kaya nabanggit ko siya. Pero ako kasi, hindi natin alam kung anong mangyayari bukas, so, we’ll never know,” paglilinaw ng Kapuso star na mukhang palaban pa rin sa pagkuha ng inaasam na titulo at korona.

Si Ahtisa Manalo ang kinoronahang Miss Universe Philippines ngayong taon at siya ang magiging bet ng Pilipinas sa gaganaping Miss Universe 2025 sa darating na November.

Nauna rito, ibinandera ni Winwyn kung paano siya sinuportahan ng kanyang amang si Joey Marquez sa sinalihang pageant.

Proud na proud daw sa kanya si Tsong Joey nang makita ang kanyang 1st
Runner-up sash. Sabi niya sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, “Tuwang-tuwa siya. Sabi ko I love my parents for just raising me the way they raised me.”

Bukod daw sa iniregalo sa kanyang painting ng ama, “May voting system kasi ang Miss Universe Philippines. Grabe siya mag-vote, Tito Boy. Feeling ko lahat ng products, nabili na niya para iboto ako. At ang ginawa niya do’n sa products, pinamigay niya sa lahat ng kakilala niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“My dad was really invested in the pageant because he was happy that I was happy,” sey pa ni Winwyn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending