Pinoy migrant sa Canada solong nagwagi ng P3.19-B sa Lotto Max

Justin Simporios
WAGI ng mahigit P3 billion ang isang 35-anyos na Pilipinong migrante sa Canada matapos itong tumaya sa Lotto Max.
Ito na ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng British Columbia at pinakamalaking solong jackpot na napanalunan sa buong Canada, ayon sa British Columbia Lottery Corporation (BCLC).
Kinilala ang nagwagi ng 80 milyong Canadian dollars o humigit-kumulang P3.19 bilyon sa Lotto Max na si Justin Simporios, residente ng Surrey sa British Columbia.
Siya ang nag-iisang nanalo sa Lotto Max draw noong May 9, 2025 matapos niyang makuha ang winning numbers na 06-10-16-17-30-38-48.
“I’m an immigrant. I came from a poor country. With this amount of money, I will be able to spend more time with my daughter, with my wife, with my family,” ang pagbabahagi ni Justin sa BCLC presscon kung saan iniabot sa kanya ang symbolic check ng napanalunang lotto jackpot .
Kuwento pa ni Simporios, gumamit pa raw siya ng flashlight habang pinanonood at tsine-check ang kanyang lotto ticket.
“When it hit five out of seven, I thought, ‘Hey, we might be millionaires.’ Then it kept going, all the way to CAD80 million,” aniya.
Kinabukasan, nag-resign daw siya sa trabaho at nagsimulang maglista ng mga taong balak niyang tulungan kabilang na ang kanyang ina na nais na niyang magretiro.
Babayaran din daw niya ang lahat ng utang ng kapatid niya sa med school, at tutulungan din ang pamilya ng kanyang asawa. Balak din daw niyang dalhin sa Pilipinas ang asawa at anak sa Pilipinas sa unang pagkakataon.
At siyempre, kasama rin diyan ang pagtupad sa matagal na niyang pangarap na mapanood nang live ang idol niyang si LeBron James sa NBA.
“And, of course, living here in Surrey, and then I’ve been living here for over four years now, I could really see the struggle, right?” saad pa ng bagong bilyonaryo.
Ayon kay Simporios, plano niyang i-donate ang bahagi ng kanyang napanalunan sa ilang charitable institution bilang pasasalamat na rin sa napakalaking blessing na dumating sa buhay niya
“Of course, this is so much money for us. I really want to give back to the community as much as I could. We already have set charities in our brains right now, but just writing it down, we’re going to decide once we get to our financial advisor.
“For sure, I want to give back to the community that I’m living in,” sabi ni Simporios.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.