DOH naka-monitor, alerto sa COVID-19 cases sa Southeast Asia

DOH naka-monitor, alerto sa COVID-19 cases sa Southeast Asia

Pauline del Rosario - May 18, 2025 - 06:32 PM

DOH naka-monitor, alerto sa COVID-19 cases sa Southeast Asia

NANANATILING naka-alerto ang Department of Health (DOH) sa galaw ng COVID-19 cases sa Southeast Asia, lalo na sa mga lugar na nakapagtala ng pagtaas ng kaso kamakailan.

“We are actively coordinating through established mechanisms like the Association of Southeast Asian Nations,” sey ng ahensya sa kanilang pahayag na iniulat ng INQUIRER.

Dagdag pa, “This gives us verified information, boosting readiness even as we see no cause for alarm.”

Batay sa datos ng DOH, bumaba ng 87% ang bilang ng mga kaso, kabilang na ang mga namatay, kumpara sa parehong panahon noong 2024.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Paano bang tumulong kapag may aksidente sa kalsada?

Mula January hanggang May 3 ngayong taon, nasa 1,774 ang naitalang kaso ng COVID-19, kumpara sa 14,074 sa parehong mga buwan last year.

Nasa 1.13% naman ang fatality rate.

Ayon sa health bureau, “slight decrease” din ang napansin nila sa mga naitalang kaso nitong nakaraang tatlo hanggang apat na linggo.

Mula 71 cases noong March 23 hanggang April 5, bumaba ito sa 65 mula April 6 hanggang April 19.

Nagpaalala rin ang DOH na maglalabas sila ng mga update sa kanilang official channels sa kanilang may magbago sa sitwasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod niyan ay pinayuhan nila ang publiko na magpatuloy sa pag-iingat, lalo na sa kalusugan.

Kabilang sa mga dapat pa ring gawin ay ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga health-care facility at ang pagsunod sa iba pang preventive measures.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending