Ellen, Derek may pa-‘face reveal’ na ni Baby Liana: Our little Inday Lili!

PHOTO: Instagram/@maria.elena.adarna
AFTER seven months, finally, opisyal nang ipinakilala ng celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang kanilang first baby na si Liana!
Ito ay sa pamamagitan ng pa-face reveal na naka-post sa kanilang Instagram accounts.
Proud na ibinandera ng mag-asawa ang growth journey ni baby Liana mula nang isinilang hanggang sa anim na buwang gulang.
Grabe, napakaganda at napaka-cute!
Baka Bet Mo: Ellen Adarna binoldyak mga politikong feeling ‘bossing’ kung umasta
May video rin na makikitang aliw na aliw si Derek habang nilalaro ang pisngi ng anak.
Bukod diyan, may family picture din sila kasama si Elias, ang anak ng aktres sa dating partner na si John Lloyd Cruz.
“Our Littol Inday Lili #kurdapya. Newborn – [six] months,” caption ni Ellen sa kanyang post.
View this post on Instagram
Hindi pa diyan nagtatapos ang cuteness overload dahil may hiwalay pang post si Ellen kung saan ibinahagi niya ang photoshoot ni Liana noong 12 days old pa lang ito.
Suot ni baby girl ang isang flower headband at cozy na cozy sa kanyang kumot na parang little angel!
“Lili’s first photoshoot…Truly the best baby whisperers ever! Here’s to many more! Lili at 12 days Old,” lahad ng celebrity mom.
View this post on Instagram
Sa comment section, mababasa na bumuhos ang papuri mula sa ilang celebrities tulad nina Ria Atayde at Ruby Ruiz.
Magugunita noong October last year nang isinilang si Liana, pero noong Nobyembre lamang ito unang ibinalita ng mag-asawa sa publiko.
Ikinasal sina Ellen at Derek noong November 2021.
Samantala, si Derek ay may isang anak din sa dating asawang si Christine Jolly.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.