Bong Revilla sa pagkatalo: Tama na ang gibaan, let’s move forward!
Eleksyon 2025 - May 18, 2025 - 12:05 PM

Bong Revilla, Jolo Revilla kasama ang mga apo
TANGGAP na ng veteran actor at public servant na si Sen. Bong Revilla ang kanyang pagkatalo sa senatorial race sa katatapos lang na 2025 midterm elections.
Sa pamamagitan ng isang Facebook video, sinabi ni Sen. Bong na huwag mag-alala ang kanyang fans and supporters dahil maayos ang kanyang pakiramdam sa kabilla ng pagkabigo sa nakaraang eleksyon.
“Hello and good afternoon, everyone. Nandito tayo ngayon sa farm, okay naman po ako. Ganu’n talaga, but I would like to congratulate lahat ng mga nananalo na mga kaibigan ko,” simulang pagbabahagi ng senador.
Ang tinutukoy ng tinaguriang Titanic Action Star ay ang Magic 12 na naproklama na kahapon sa pagkasenador: sina Bong Go, Bam Aquino, Bato dela Rosa, Erwin Tulfo, Kiko Pangilinan, Rodante Marcoleta, Ping Lacson, Tito Sotto, Pia Cayetano, Camille Villar, Lito Lapid, at Imee Marcos.
Base sa resulta ng halalan mula sa Commission on Elections (Comelec) nasa ika-14 puwesto si Bong na re-electionist senator para sana sa panibagong anim na taon na termino.
View this post on Instagram
Nabanggit din niya na wala siyang nararamdamang sama ng loob sa kanyang pagkatalo, at baka raw may iba pang plano para sa kanya ang Diyos.
“Bagamat tayo’y hindi pinalad, okay lang po ‘yon. Ang importante po ngayon ay magkaisa para sa bayan. I-solve natin ‘yung tunay na problema ng bayan. Sana magkaisa, magkaayos din.
“Kung ano man po ang nangyari e, tanggap natin ‘yan. Ang importante ay masaya tayo. Tama na ‘yung gibaan, let’s move forward para sa bayan, para sa bansa.
“Nagsalita na ang bawat isa, atin pong dapat pakinggan. Ang importante, mahalin natin ang Pilipinas,” sabi ng aktor.
Sabi pa ni Sen. Bong sa kabila ng pagkatalo ay ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtulong.
“Siguro to spend more time with my family, my apo. Mag-aalaga muna tayo ng apo, pahinga. Mahal ko po kayo,” aniy pa.
Samantala, nanalo naman ang kanyang misis ni Lani Mercado bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Cavite, habang ang anak nilang si Jolo Revilla ay nagwagi rin sa pagka-cogressman sa unang distrito ng Cavite.
Naihalal din ang isa pang anak ni Bong na si Ram bilang vice governor ng Cavite habang mayor pa rin ng Bacoor ang kapatid niyang si Strike Revilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.