David Licauco nagluluksa sa pagpanaw ng lolo: ‘The wisest man I knew’

PHOTO: Facebook/David Licauco
NAGLULUKSA ang Kapuso actor na si David Licauco matapos pumanaw ang kanyang lolo na si Jaime Licauco, isang kilalang parapsychologist at author.
Sa isang Facebook post nitong Sabado, May 17, ibinahagi ni David ang kanyang hinagpis habang inaalala ang kabutihan at katalinuhan ng yumaong lolo.
“The wisest man I knew—always chasing greatness, always sharing his wisdom,” bungad niya sa caption, kalakip ang ilang litrato nilang magkasama.
Mensahe pa niya, “Thank you for the life talks, the lessons, the power of your mind. I’ll hold them close, always. Rest easy, Lolo.”
Baka Bet Mo: Hirit ni David Licauco sa mga naboringan sa kanya sa PBB: Sorry na po

PHOTO: Screengrab from Facebook/David Licauco
Para sa kaalaman ng marami, si Lolo Jaime ay kinilalang eksperto sa larangan ng parapsychology at metaphysics.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nakapagsulat siya ng 17 bestselling books at iba’t ibang artikulo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa isip, espiritwalidad, at kakaibang karanasan.
Bago siya pumanaw, naging kolumnista rin siya sa pahayagang Daily Tribute.
Samantala, patuloy na namamayagpag ang karera ni David sa telebisyon.
Mas lalo siyang sumikat dahil sa mga historical fantasy dramas kagaya ng “Maria Clara at Ibarra” at “Pulang Araw.”
Siya rin ang onscreen partner ngayon ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Kamakailan lang, gumanap si David bilang si Deacon Sam sa seryeng “Samahan ng mga Makasalanan,” kung saan bumuo siya ng isang church group na may layuning hikayatin ang mga makasalanan na magbagong-buhay at manumbalik sa pananampalataya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.