Magic 12 sa Senado opisyal nang ibinandera ng Comelec

Magic 12 sa Senado opisyal nang ibinandera ng Comelec; Bong, Bam, Bato nangunguna

Pauline del Rosario |
Eleksyon 2025 -
May 17, 2025 - 10:09 AM

Magic 12 sa Senado opisyal nang ibinandera ng Comelec; Bong, Bam, Bato nangunguna

Bong Go, Bam Aquino, Bato Dela Rosa

OPISYAL nang inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ang mga bagong miyembro ng Senado ngayong 2025!

Ito ay matapos ilabas ang National Certificate of Canvass (NCOC) nitong Biyernes ng umaga, May 16.

Ayon sa Comelec, lima sa mga nanalong senador ay mula sa ticket na suportado ni Pangulong Bongbong Marcos, lima ay endorsed ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at dalawa naman ay mula sa oposisyon.

Baka Bet Mo: ‘Sexy Babe’ contestant walang alam sa Comelec, sey ni Vice: Bothersome!

Narito ang kumpletong listahan ng Magic 12, pati na rin ang bilang ng mga bumoto sa kanila:

  1. Bong Go – 27,121,073 boto

  2. Bam Aquino – 20,971,899

  3. Ronald “Bato” dela Rosa – 20,773,946

  4. Erwin Tulfo – 17,118,881

  5. Francis “Kiko” Pangilinan – 15,343,229

  6. Rodante Marcoleta – 15,250,723

  7. Ping Lacson – 15,106,111

  8. Vicente “Tito” Sotto III – 14,832,996

  9. Pia Cayetano – 14,573,430

  10. Camille Villar – 13,651,274

  11. Lito Lapid – 13,394,102

  12. Imee Marcos – 13,339,227

Ayon sa Comelec, ang resulta ng boto ay kapareho ng mga tally mula sa poll watchdogs at media partners na binigyan ng access sa kanilang servers.

Mainit ang tutok sa bagong Senado, lalo’t naka-schedule ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa July 30.

Ayon sa NCOC, ang PDP-Laban na kinabibilangan ni Duterte ay nagpatakbo kina Go, Dela Rosa at Marcoleta, at inampon din bilang guest candidates sina Villar at Marcos.

Ang administrasyon ni Marcos ay may sariling ticket na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kung saan kabilang sina Tulfo, Lacson, Sotto, Cayetano at Lapid.

Samantala, sina Aquino at Pangilinan ay tumakbo sa ilalim ng magkaibang partido –ang Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino at Liberal Party, na parehong bahagi ng oposisyon. 

Kasama rin nila ang grupong Akbayan, na nanguna sa party list race.

Anim na party list groups ang tiyak nang magkakaroon ng puwesto sa Kamara matapos makakuha ng mahigit 2% ng kabuuang boto. 

Ito ay ang Akbayan, Duterte Youth, Tingog, 4Ps, ACT-CIS, at Ako Bicol.

Target ng Comelec na mapuno ang lahat ng 63 pwestong nakalaan para sa party-list reps.

Sa kabuuan, 57.3 million ang bumoto mula sa 69.6 million registered voters.

Ito ay katumbas ng 82.2% voter turnout.

Sa isang presscon, inihayag ni Comelec Chair George Garcia na gaganapin ang proklamasyon ng mga nanalong senador ngayong araw, May 17, habang sa Lunes, May 18, naman para sa mga partylist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natapos ang national canvassing bandang 9 p.m. nitong Huwebes, May 15.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending