K-12 program tatanggalin na sa SY 2025-2026 ‘fake news’, sey ng DepEd

INQUIRER file photo
PINABULAANAN ng Department of Education (DepEd) ang mga kumakalat sa social media na aalisin umano ang K-12 program para sa darating na school year 2025-2026.
Sa pamamagitan ng Facebook post, binigyang-diin ng ahensya na walang katotohanan ang mga naturang balita.
“Fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa pagtanggal ng K to 12 program sa darating na SY 2025-2026,” bungad ng DepEd.
Pakiusap pa, “Pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa misinformation.”
Baka Bet Mo: DepEd: Klase para sa SY 2025-2026 magsisimula na sa June 16
Hinimok din ng DepEd ang publiko na i-report ang anumang uri ng maling impormasyon kaugnay ng basic education sa [email protected].
Matatandaang ipinatupad ang K-12 program noong 2012 upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.
Sa ilalim ng programang ito, nadagdagan ng dalawang taon ang basic education system sa bansa, na kinabibilangan ng Senior High School o Grades 11 at 12.
Layunin ng K-12 na mas mapaghandaan ng mga estudyante ang kolehiyo, trabaho, o negosyo pagkatapos ng high school.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.