Hirit ni David Licauco sa mga naboringan sa kanya sa PBB: Sorry na po

David Licauco
“MAY magic talaga sa loob ng Bahay Ni Kuya!” Iyan ang rebelasyon ng Pambansang Ginoo na si David Licauco matapos mag-stay nang ilang araw sa “PBB Celebrity Collab Edition.”
Hinding-hindi raw makakalimutan ng Kapuso heartthrob habang siya’y nabubuhay ang naging experience niya bilang houseguest sa “PBB” na napapanood sa GMA 7 at ABS-CBN.
Matapos ngang lumabas sa Bahay Ni Kuya, maraming revelation si David tungkol sa kanyang “Pinoy Big Brother” journey kung saan nakasama pa nga niya ang BFF at kapwa Kapuso star na si Dustin Yu.
Sa latest post ni David sa kanyang Facebook page, nabanggit niya na noong 2015 ay pumila rim siya para mag-audition sa naturang iconic reality show.
Sey ng ka-loveteam at leading man ni Barbie Forteza sa kanyang FB post, “Wow, crazy to think I once lined up for PBB auditions in 2015 and years later, I got to be a houseguest.”
View this post on Instagram
Marami raw siyang discovery at realization habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya, “It was different from what I imagined. May magic talaga sa loob ng Bahay Ni Kuya.
“I may have been quiet, but I learned a lot about myself. Truth is, no one really knows what it’s like inside unless you’ve lived it,” sabi ng binata.
Patuloy pa ni David, “To everyone who supported, Thank you. (Sa mga naboringan sa akin, sorry na po).
“And to the housemates, Thank you for the warm welcome, solid convos, and siyempre the best food: Ate Klang’s ulam, Ralph’s rice, and Esnyr’s ice cream,” lahad pa niya.
Sa huli, may pahabol pang mensahe si David, “Fun fact: I was actually considered to be a housemate earlier this year.”
Napapanood pa rin ang “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition”, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.